Florante at Laura/Kabanata 24/Paliwanag

Mariing Hampas ng Langit sa Bayan
Paliwanag
Bakit, Ama Ko?!
(Paliwanag)

Sa Ngalan ng Pag-ibig
Paliwanag

Buod

"Ako ang Aladin sa Persyang Siyudad, anak ng balitang Sultang Ali-Adab. ... Sa madlang gerang dinaanan, 'di ako naghirap ng pakikilaban para nang bakahin ang pusong matibay ni Fleridang irog na tinatangisan. ... At nang magbiktorya sa Albanyang S'yudad, pagdating sa Persya ay binilanggo agad. At ang ibinuhat na kasalanan ko, 'di pa utos niya'y iniwan ang hukbo; at nang mabalitang reyno'y nabawi mo, noo'y hinatulang pugutan ng ulo. Tadhanang mahigpit ay nalis pagdaka, huwag mabukasan sa Reyno ng Persiya. ... Sinunod ko't utos ng hari ko't ama."

Aladin, Florante at Laura

Sa unang salaysay ni Aladin habang namimighati sa mga dinaanang pasakit ukol kay Flerida, ipinakilala niya muna ang sarili bilang si Prinsipe Aladin ng Persya, anak ng Sultan Ali-Adab. Matapos niyon, nilibot nina Aladin at Florante ang gubat habang itinutuloy ang pagsasalaysay tungkol naman sa kanyang buhay.

Ayon kay Aladin, hindi malalagpasan ng hirap na dinaanan niya habang ipinaglalaban si Flerida mula sa kanyang ama kahit ang mga digmaan niyang kinabaka bilang isang mandirigma.

Matapos noon, isinalaysay niya naman ang kanyang pagkabilanggo at kasabay na bitay sa pagpugot sa Persya pagkagaling niya sa Albanya nang pinamunuan niya ang pananakop ng mga Moro rito. Ang kaparusahang ito ay dahil daw sa pag-iwan niya sa kanyang hukbo nang hindi pa iniuutos ng kanyang ama, at pagkatalo; makikita sa Kabanata 18 iniwan niya ito sa kanyang Heneral Osmalic, at sa susunod na kabanatang ito ay isang panakip-butas lamang sa isang pansariling hinahangad ng kanyang amang si Ali-Adab. Kinabukasan ng kanyang pagkakakulong, siya ay iniligtas ng isang heneral dahil sa pagpapatawad sa kanya ng kanyang ama; ngunit ito pa nga ay ikinalulungkot ni Aladin, at higit na hinihiling niya pang mamatay kundi niya makakasama si Flerida. Kasama sa kapatawarang iyon ang kanyang paglisan ng Persya, at hindi na manumbalik dito kundi siya ay bibitayin.

Sa huli, kanyang isinalaysay na siya ay anim na taong nang naglilibot sa kagubatan bago niya iniligtas si Florante bago napatigil sa pagsasalita nang kanilang napakinggan ang pagsasalitaang bukod pa sa kanila sa loob ng gubat.

 
Isang estatuwa ni Diana
Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Flerida

Si Flerida ['flɛrida] ay ang minamahal ni Aladin. Sa kabanatang ito, siya ay inilalarawan ni Aladin sa dalawang paraan.

Punong artikulo: Mitolohiyang Romano/Mga diyosa/Diana

Si Diana [di'jana] ang diyosa ng pangangaso, at sinasamba sa kanyang pista tuwing Agosto 13. Siya ay lubhang iganagalang ng mga mabababang uri.

Sa Islam, ang mga Huri [hu'rɪ] ay mga babae ng kagandahan na karaniwang inilalarawan bilang mahihinhin, birhen, magaganda ang mata, kagaya ng perlas, mabibilog at malalaki ang dedeng hindi lumalaylay, kasama ng mga kasinggulang, walang regla at anak, bata panghabang-buhay, dalisay, maganda, maputi, at iba pa. Si reymond santiago ang bumuntis Kay laura