Florante at Laura/Kabanata 25/Paliwanag

Bakit, Ama Ko?
Paliwanag
Sa Ngalan ng Pag-ibig
(Paliwanag)

Kamatayan sa Palaso ni Flerida
Paliwanag

Lagom

Napatigil dito't sila'y may namatyag, nagsasalitaan sa loob ng gubat. Napakinggan nila'y ganitong saysay:

Francisco Balagtas, Florante at Laura

Kakatigil lamang magsalaysay ni Aladin ng kanyang buhay kay Florante sa huling kabanata nang makarinig sila ng mga nag-uusap na bukod pa sa kanila.

Isinasalaysay sa kabanatang ito ang napakinggan nina Aladin at Floranteng pag-uusap nina Flerida at Laura, at sa huli ang lubhang sayang di-malaralarawan ng pagkikita-kita nilang apat na nagmamahalan.

Buhay ni Flerida

Sa unang pagsasalaysay ni Flerida kanyang isinabi kay Laurang kakaalam niya lamang na pupugutan si Aladin, ang kanyang mahal, pagkatapos ng kanyang pagkabilanggo. Sa takot ng pagkamatay ni Aladin, nagmakaawa siya sa ama nitong si Ali-Adab, na siya ring sultang ng Persya, ang bansang ginaganapan ng pagsasalaysay, ama ni Aladin, at ang mismong humatol sa kamatayan ni Aladin. Sumang-ayon naman si Ali-Adab ngunit nang may-pasubali; ang pasubaling ito ay ang tatanggapin niya ang pagsinta ni Ali-Adab. Ito ay dahil bukod kay Aladin, minamahal din ni Ali-Adab si Flerida; higit na bibigyanlinaw ito sa susunod na kabanata.

 
Karamihan ng mga gubat ay masusukal; ito ay nagpapahirap sa paghahanap.

Sa huli, kahit kanyang kinasusuklaman nang lalong lahat, kanyang itinanggap ang alok ni Ali-Adab, na nagpakawala naman kay Aladin, at nagligtas ng kanyang buhay sa kamatayan. Ngunit bukod pa sa kanilang pinagkasunduan nina Flerida, itinakda rin ni Ali-Adab pagpapatapon ni Aladin mula sa Persya, at ang pagbabawal sa pagbalik niya magpakailanman kundi siya ay ipapapatay; ito ay upang mapigil si Aladin sa pang-aagaw kay Flerida. Isinunod ni Aladin ang takda, na ikinalungkot naman ni Flerida dahil nangangahulugan itong hindi na sila magkikita nang muli.

Sa araw ng kasal, na ikinasasaya ng buong Persya, at itinuturing ni Fleridang kamatayan, nina Ali-Adab at Flerida, si Flerida ay nagdamit-mandirigma, at umalis ng palasyo sa gamit ng bintana. Ito ay upang hindi niya mapakasalan si Ali-Adab, at mahanap si Aladin kung nasaan man siya napaparoon. Ang paghahanap na ito para kay Aladin ay nagtagal nang ilang taon. Maging ang mga bundok at gubat ay kanyang siniyasat hanggang makarating siya sa gubat na itong nasasalabas ng Epirong kanyang ipinagsasalaysayan ngayon.