Florante at Laura/Kabanata 20/Paliwanag
←Kagandahang Makalangit ←Paliwanag |
Luha ng Pagmamahal (Paliwanag) |
Bayani ng Krotona→ Paliwanag→ |
Lagom
“ | at inaasahang iluluwalhati." |
” |
Sa pagsasalaysay ni Florante, tatlong araw na ang nakakalipas simula noong huling kabanata. At magpahanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakakausap si Laura. Malinaw na makikita sa kabanatang itong hindi pa rin lumilisan si Florante upang makidigma sa Krotona, isang bagay na sumasalungat sa una niyang isinabi sa huling kabanatang paalis na siya sa kinabukasan. Sa ibang banda, maaaring hindi sumasalungat si Florante sa kanyang unang isinabi kung balak niyang ipahiwatig noong unang malapit na ang kanyang pag-alis sa hinaharap.
Sa kabanatang ito, kanyang nang ipapahayag ang pag-ibig kay Laura, at kanya na ring sasagupain ang mga sumakop ng Krotona.
Buod
“ | ” | |
Sa unang bahagi ng kabanata, paalis na si Florante at ang kanyang hukbo papuntang Krotona; at sa kabutihang palad, sandali niyang nakapanayam si Laura.
Ipinahayag niya kay Laura sa wikang mairog, buntung-hininga, luha at himutok na kanyang ikinapupuno ng isip si Laura dahil sa kanyang pag-ibig sa kanya. Sa pahayag na ito, umoo si Laura sa pagluha. Matapos noon umalis na si Florante papuntang Krotona.
Sa Krotona, nakipaglaban si Florante sa mga Morong sumakop nitong napapamunuan ng Heneral Osmalic. Pagkatapos ng marugong-marugong pagpapatayang inabutan ni Florante, kanyang nakita si Osmalic. Kagaya ng huling isinalaysay ni Florante, si Osmalic ay isang magaling na mandirigma; ito ay naipakita sa agaran niyang pagkitil sa pitong hanay ng mga sundalong nasaharap ni Florante gamit ang kanyang tabak.
Matapos niyang gawin iyon, kanyang ihinamon si Floranteng makipaglaban sa kanya. Ang labanang ito ay nagtagal nang limang oras, at nagtapos nang si Florante ang panalo, at patay naman si Osmalic. Itinapos naman sa pamumuno Menandro, na sa hukbo ni Florante ay isang opisyal, ang kalabang hukbo.
Mga isinasaisip ni Florante
“ | ” | |
Isinasaisip ni Floranteng noong ipinagtapat niya ang kanyang pag-ibig kay Laura, ang puso ni Laura ay nahambal, at alang-alang sa kanya, agad siyang aayawan ni Laura kundi lang siya likas na mabait. Ngunit magiging maayos pa rin daw ang pakiramdam niya kahi ang inaasam niyang oo ay hindi bitiwan ni Laura dahil sa huli naliwanagan niya pa rin si Laura ng kanyang totoong damdamin. Mabuti para kay Florante, umoo si Laura sa pagluha. Ang pag-oong ito ang ipinasasalamatan ni Florante sa kanyang pagdating nang buhay sa Krotona.
Nang siya ay paalis na kanyang dinaramdam ang lubhang sakit ng paglisan ng kanyang mahal na si Laura.