Florante at Laura/Kabanata 17/Paliwanag

Pamatid-Buhay
Paliwanag
Bilin Ko'y Tandaan
(Paliwanag)

Dakilang Pagpapasakit
Paliwanag

Kagaya ng isinalaysay ni Florante sa huling kabanata, nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang amang si Briseong nagsasabing patay na ang kanyang ina, at dahil naman doon lubha siyang nalungkot. Ang kabanatang ito ang pagtutuloy niyon.

Isang larawang ipinapakita sa gitna ang Gresya, habang ang Albanya ay nasa gitnang-kanluran.

Matapos ang dalawang buwan sa pagkakatanggap niya ng sulat na iyon, nakatanggap muli siya ng isang panibagong sulat na mula muli sa kanyang ama ngunit ngayon mayroon itong kasamang sampung sasakyang panundo kay Florante. Ito ay dahil iniuutos sa sulat ang pag-uwi ni Florante sa kanyang bayang tinubuang Albanya.

Bagong umuwi si Florante, ipinagpayuhan muna siya ni Antenor. Ayon kay Antenor, kailangang pag-ingatan ni Florante ang mga kilos ni Adolfo lalo na kung magiliw ang pagsalubong sa kanya nito dahil malamang ay mayroon siyang inihandang higanti. Kailangan ding daw mag-ingat ni Florante dahil maaari siyang kabakahin ni Adolfo at ng iba pang mga kalabang lihim na hindi niya nalalaman. Sa huli, kailangan din daw maghanda ni Florante ng mga lihim na sandata upang sa araw ng pakikidigma ay mayroon siyang magamit. Pagkatapos sabihin ni Antenor ang mga iyon, si Antenor ay napaluha, niyakap niya si Florante, at huling ibiniling hinihintay si Florante ng maraming sakit.

Isang barkong layag; kagaya ng isinakyan nina Florante

Matapos ang lahat ng iyon nagbitiwan na sina Antenor at Florante; buong kamag-aralan niya ang nalulungkot, lalo na si Menandro, ang kanyang matalik na kaibigan. Ngunti ang kalungkutang ito ni Menandro ay nagtapos nang ipinayagan ni Antenor, ang kanyang amain, bukod pa sa pagiging guro niya, na sumama kay Florante pauwing Albanya.

Inihatid ni Antenor at ng mga kamag-aral ni Florante sina Florante, Menandro at ang mga sumusundo sa kanya hanggang sa daungan ng barko. Ito ay dahil barko, na inilarawan ni Florante bilang isang napakamablis na barko, ang gagamitin nila upang makapuntang Albanya. At dahil nga sa bilis nito, agad din silang nakayapak sa dalampasigan ng Albanya.

Pagdating nilang dalawa nina Florante at Menandro sa Albanya, pinuntahan nila kaagad ang ama ni Florante, ang Duke Briseo. Naging napakasaya ng kanilang pagkikita, na nakita naman ng embahador ng Krotona, ang pinagmulan ng pumanaw nang ina ni Florante, ang Prinsesa Floresca, anak ng hari ng Krotona.