Florante at Laura/Kabanata 19/Paliwanag

Sa pagsasalaysay ni Florante, nag-upuan silang tatlo nina Briseo, ang kanyang ama, at Linceo, hari ng Albanya, upang pag-usapan ang mga gagawin sa magaganap na digmaan upang palayain ang AVCCCKrotonang isinakop ng mga Moro. Nang isasalaysay na ni Florante ang kanyang mga karanasan sa Atenas noong nag-aral siya roon, nakita niya si Laura, ang anak ng Haring Linceo; lubha niyang ikinagigiliwan si Laura sa kanyang ganda, at dahil doon ay agad siyang napaibig sa kanya, maging ang pag-ibig niyang alang-alang sa kanyang inang si Floresca lamang ay inihahandog niya na rin kay Laura. Totoong gulung-gulo ang isip ni Florante sa kabanatang ito.