Florante at Laura/Kabanata 6/Paliwanag

Panibugho sa Minamahal
Paliwanag
Paggunita sa Nakaraan
(Paliwanag)

Pagdating ng Moro sa Gubat
Paliwanag

Pagsasalaysay ni Florante

Paniniwala

"O, Konde Adolfo, inilapat mo man sa akin ang hirap ng sansinukuban ang kabangisan mo'y pinasasalamatan, ang puso ni Laura'y kung hindi inagaw."

Florante, Florante at Laura

Sa unang dalawang saknong, payak lamang ang pagpapahiwatig. Isinalaysay ni Floranteng "ang paglililo'y nasa kagandahan"; nangangahulugang naniniwala si Floranteng sa lalong ganda higit na marami pa ang panlililong darating. Maihahambing sa paniniwala at niya kay Laurang saksakan ng ganda dahil, muli kanyang pinapaniwalaan na tinanggap niya na ang pag-ibig na handog ng Konde Adolfo, hindi na siya mahal ni Laura, at kinalimutan na ang kanilang pagmamahalan noong nakaraan. Ang paniniwalang ito ay lubhang nagpapahirap kay Florante, at itinuturing niyang pinakamasaklap sa lahat. Kagaya ng kanyang sinabi sa kanan, pasasalamatan niya pa si Konde Adolfo kundi niya lang daw "inagaw" si Laura, nagpapakita ng kabaitang likas kay Florante.

Sa mga huling saknong naman, makikita ang pagsuko ni Florante, at ang kanyang paniniwalang lahat ng dusa, sakit at kamatayan ay kanya nang dinama; ngunit sa totoong buhay malabo itong mangyari, at isa lamang na pagmamalabis upang maipakitang siya ay lubhang naghihirap. Kagaya nga ng sinabi niya "Ito'y siyang una sa lahat ng hirap", ipinapahiwatig na ang kanyang dusa ay ang nangunguna sa kanyang mga dinanas, o maaaring sa lahat ng dusa sa buong sansinukob, at "libingan laan ng masamang palad.", ipinapahiwatig namang naniniwala siyang dahil sa dusang kanyang dinaranas, maaaring ang kinagagapusan niyang hegira na ang kanyang maging libingan.

 
Isang kasuotang pandigma, kagaya ng kay Florante

Nakaraan nina Florante at Laura

 
Diyamante, isa sa mga ipinanghihiyas ni Laura
 
Rubi, maihahambing sa kapulahan ng mga labi ni Laura

Simula sa ikatlong saknong, sinimulan na ni Florante ang pagsasalaysay niya sa dating nakaraan nila ni Laura, lalo na kapagka siya ay inuutusang makibaka ng ama ni Laurang ang Haring Linceo.

Inihahanda ni Laura ang pakikipaglaban ni Florante, sa pagtatahi ng kanyang plumahe, gamit ang kanyang daliring parang baklad, na sa awit ay tinatawag na korales, pagsisiyasat ng kanyang baluti at koletong sa mga kalawang upang hindi marumhan ang damit na kundi, hindi papayagang madampi ang mga ito sa kanyang balat, at kung matibay at makintab ang mga ito upang dumulas ang mga tagang sasayad sa mga ito, at madaling makita si Florante kapag pabalik na mula sa digmaan, at pagpapahiyas ng kanyang turbante ng mga perlas, topasyo, rubi, diyamante at letrang L.

Bagaman inihanda ni Laura ang mga gagamitin ni Florante, nag-aalala pa rin siya nang lubos. Lumuluha siya dahil sa takot na masugatan si Florante. Kahit nakakabalik si Florante mula sa mga digmaan, takot pa rin si Laura. Una niyang ginagawa ay ang pagsisiyasat sa katawan ni Florante upang makita ang mga gurlis sa kanyang balat, at malinis ito gamit ang patak ng kanyang mga luha.

Kapag malungkot naman si Florante, nag-aalala pa rin si Laura. Tinatanong niya kung ano ang problema, at habang hindi pa ito sinasagot idinarampi niya ang rubi niyang labi sa pisngi ni Florante. At upang malibsan ang lungkot ni Florante, idinadala niya siya sa halamanan upang makakuha ng bulaklak na ikakasaya ni Florante, at maisabit ito sa kanyang liig. Kung hindi man gumana ang mga pagpapasayang ito ni Laura kay Florante, luluha na lamang si Laura.

Pag-ulila kay Laura

Sa kalagitnaan ng kabanata, sinimulan na ni Florante ang pagtawag sa paglapit ni Laura upang muling magawa ang mga pag-aaruga niya bago siya naigapos, at noong pinakamausbong pa ang kanilang pagmamahalan. Ito ay dahil naniniwala siyang si Laura lamang ang makakalunas ng kanyang sakit. Hinihiling niyang siyasatin ni Laura ang kanyang katawan at damit sa mga kalawang, hugasan ang dugong pumapalibot sa kanyang mga kamay, paa at liig dahil sa pagkakagapos, kalagin ang pagkakagapos niya, at titigan ang kanyang nananakit na katawan upang "mapigil ang takbong mabilis" ng paglapit ng hangganan ng kanyang buhay. Ngunit sa huli, tumigil na ang mga panaghoy ni Florante dahil sa mga paniniwalang nasasaad sa unang bahagi ng seksyong ito.

Dito naghimutok nang kasindak-sindak na umalingawngaw sa loob ng gubat;

Florante, Florante at Laura

Kalagayan ni Florante

Matapos ang pagsasalaysay ni Florante tungkol sa mga panibugho at pag-ulila niya kay Laura, nagtapos naman ang kabanata nang ginawa niya ang nakasaad sa kaliwa. At dahil doon, naubos ang kanyang lakas na nagpahimatay sa kanya.