Florante at Laura/Kabanata 22/Paliwanag

Bayani ng Krotona
Paliwanag
Pangimbulo — Ugat ng Kataksilan
(Paliwanag)

Mariing Hampas ng Langit sa Bayan
Paliwanag

Sa pagsasalaysay ni Florante, dumaan na ang limang buwan simula nang binawi nila ang Krotona kaya naman ipinagpilit niyang umuwi. Batay sa mga isinalaysay ni Florante, masasabing mabagal ang pag-usad nila, at kaya nga hangad niya nang liparin ang Albanya dahil sa sobrang pagmamadali upang makita muli si Laura. Ngunit noong nakita niya ang muog ng Albanya, mayroon siyang naramdamang hirap sa puso niya. Nang sila ay malapit na sa muog, nalaman na ni Florante ang dahilan ng salagimsim niya; ang muog ay nagwawagayway na ngayon ng watawat ng mga Moro, ang bituin at gasuklay (☪); ito ay ibinanggit sa awit sa Kastila nitong ngalan. Nangangahulugan itong ang Albanya ay sinakop ng mga Moro, na ayon kay Florante, pinapamunuan ni Aladin, ang hindi niya nalalamang pinagsasalaysayan niya pala; ngunit ito ay mapapabulaanan din ni Aladin mismo kapag ipinakilala niya na ang sarili niya, at isinalaysay ang buhay sa Kabanata 24.

Isang muog na matatagpuan sa Espanya.

Dahil sa nakita niyang iyon, agad pinatigil ni Florante ang kanyang hukbo "sa paa ng isang bundok na mabangin". Sa tinigilan nilang iyon, natanaw nila ang hukbong Moro, at ang isang babaeng pupugutan; ikinatakot naman iyon ni Florante dahil baka si Laura iyon. Sa galit, bigla nilang inilusob ang mga Moro, at nang tapos na nilang mapatay ang lahat, nilapitan niya ang nakagapos na pupugutan, at inalis ang takip nito sa ulo. Nagulat si Florante matapos nito dahil ang babaeng nakagapos ay si Laura. Si Laura, ayon kay Florante, ay pupugutan dahil sa pagpalag niya sa panghahalay ng isang di-ipinapangalanang emir, ang pinuno ng mga Morong mananakop. Pinakawalan niya si Laura.

Matapos ang lahat ng iyon, napansin nilang nakabilanggo ang kaginoohan, kasama roon ang Haring Linceo, ang Duke Briseo, ama ni Florante, at pati na rin ang Konde Adolfo. Kaya naman piuntahan nila ang bilangguang iyon, at ipinakawalan ang kaginuohan. Lubhang katuwaan ang nasa mga ipinalaya ni Florante at ng kanyang hukbo, maliban dito si Adolfo, ang tanging nagluluksa dahil sa kapurihang natanggap ni Florante lalo na nang siya ay binansagan ng haring "Tanggulan ng S'yudad", at ipinagdiwang siya sa palasyo, at, ang pinakamasakit para kay Adolfo, nang ipahayag ni Laurang mahal niya talaga si Florante, nagpapakahulugan ng kanilang pagpapakasal, at, sa hinaharap, ang pagiging hari ni Florante, at tagapagmay-ari ng korona at ng kapangyarihan nito sa kaharian.