Florante at Laura/Kabanata 11/Paliwanag

Pagtatagumpay ng Bagong Marte
Paliwanag
Habag sa Moro
(Paliwanag)

Paglingap ng Persyano
Paliwanag
Isang Arabo sa katutubong pananamit

Buod

Sa simula ng kabanatang ito, nagising si Florante sa pagkakaiglip habang nakalungayngay; ito ay dahil hinimatay si Florante matapos siyang iligtas ni Aladin sa huling kabanata. Sunod namang nangyari ang paghihimutok at pananaghoy ni Floranteng humihingi ng tulong mula kay Laura, at ang muling pagkawalang-malay niya, na ikinabahala naman ni Aladin, at naghintay hanggang mapayapa si Floranteng kanyang kandong.

Nang mabalikang-malay na si Florante, namalayan niyang siya ay nasasakamay ng isang Moro, isang bagay na madaling nakikilatis sa kaibhan ng pananamit-Moro lalo na noong sinaunang panahon, ikinabahala niya ito at nagpumilit alisin ang kanyang nanghihinang katawan palayo kay Aladin ngunit agad namang ipinayapa ni Aladin si Florante, at ipinahayag na siya ang sumaklolo sa kanya mula sa mapait na kapalaran. At dahil dito, nagpasalamat si Florante kay Aladin, at sinabing kundi siya iniligtas ay malamang "nalibing na" "sa tiyan ng leon".

Kagaya ng sinabi sa naunang seksyon, pilit inilalayo ni Florante, isang Kristiyanong Albanes, ang kanyang nanghihinang katawan noong una niyang paglingap mula kay Aladin, isang Persiyanong Muslim; ito ay dahil karaniwang itinuturing sa mga pagsasalaysay ang mga Kristiyano at Muslim bilang magkakaaway, bunga ng matinding alitan sa pagitan ng dalawang relihiyon simula pa noong naitatag ang Islam.