Florante at Laura/Kabanata 10/Paliwanag

Sa Harap ng Panganib
Paliwanag
Pagtatagumpay ng Bagong Marte
(Paliwanag)

Habag sa Moro
Paliwanag

Habang nanaghoy si Florante, nahubo g si Aladin, at sa huli, hindi na niya natiis si Florante. At dahil doon, sunod niyang ginawa ang agarang paghahanap kay Florante gamit ang boses niyang nananaghoy upang matunton siya, at ang kanyang patalim naman upang alisin ang mga harang ng kagubatan sa kanyang landas kagaya ng mga sanga at dahon. Hindi siya tumigil hanggang hindi niya natutunton ang pinagmumulan ng mga panaghoy. Nang ginawa niya ang lahat ng ito, lumulubog na ang araw; nagpapahiwatig na hapon na.

Isang pagdurula ng isang sundalong Romanong humahawak ng dalawang sibat at isang kalasag

Nang malapit nang narating ni Aladin ang kinagagapusan ni Florante, siya ay napaluha sa lumiligid na hirap kay Florante. Ang hirap na ito ay maaaring ang mga leong mayroong kakayahang patayin si Florante, at/o ang mismong gubat.

Pagkatapos nito, siya ay napaatras, at nagbangis naman ang mga leon. Sumunod dito naghandang maglabanan ang tatlo: si Aladin at ang dalawang leon. Unang ipinangalisag ng leon ang ng kanyang balahibo, at pinatindig ang buntot, na nagpabangis ng anyo ng leon. Sunod namang itinaas ng leon ang kanyang kamay upang dakmain si Aladin, na inihambing kay Marte, ang Romanong diyos ng pakikipagdigma, ngunit siya ay nakailag. Inusig naman ni Aladin ng mga taga ang mga leon, na inihambing kay Apolo, isang diyos ng mitolohiyang Griyego at Romano, sa pananagupa niya sa Piton, isang dragon sa mitolohiyang Griyego. Sa huli, pinatay ni Aladin ang dalawang leon gamit ang kanyang sibat at kalasag.

Matapos niyang patayin ang dalawang leon, pinuntahan niya naman si Florante upang patirin ang lubhang matibay na lubid na gumagapos sa kanya gamit ang kanyang espada. Nang napatid niya na ang lubid na gumagapos kay Florante, nawalang-malay si Florante kaya kinalong ni Aladin, at nahabag. Si Aladin ay takang-taka kay Florante ngunit siya ay napayapa na noong nagising na siya.