Florante at Laura/Kabanata 9/Paliwanag
←Paghahambing sa Dalawang Ama ←Paliwanag |
Sa Harap ng Panganib (Paliwanag) |
Pagtatagumpay ng Bagong Marte→ Paliwanag→ |
Buod
Kakatapos lamang magsalita ni Aladin, mayroong dumating na dalawang mga leong hinahangos sa paglakad sa kinalalagyan ni Florante. Tinungo si Florante ng dalawang leon upang kainin, ngunit tumigil nang matagal na panahon ang mga ito sa kanyang harapan. Naawa ang mga leon sa kalagayan ni Florante kaya sila tumigil. Sa katotohanan, hindi lamang ang mga leon ang naawa kay Florante kundi pati rin si Francisco Balagtas mismo, ang may-akda ng awit.
Pagkatapos ng pagpapahayag ng kaawaan kay Florante ni Balagtas, nagsimula nang magsalita si Florante. Nangusap siya sa Albanya, Albanya, at ang mga naipaglingkod niya roon. At dahil sa paglilingkod niyang ito, itinatanong niya sa Albanya kung bakit siya hinayaang magkaganito, at ipinalagay na lamang niyang ito ang kabayaran sa kanya ng Albanya bagaman pinaglingkuran niya ito at ipinagtanggol.
Sa huli niyang mga pahayag, pinaratangan niyang si Laura ay isang taksil, nakipagmahalan kay "Adolfong malupit", at nangalimot na sa kanya.
Awa ni Balagtas
“ | ” | |
Bukod sa mga Muli, kagaya ng mga sinabi ni Florante, at ipinaliwanag sa mga huling kabanata, inilalarawan ni Florante ang Albanya bilang isang kahariang pinamamayanan ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. At dahil sa mga kasaklapang iyon, lubhang nanghihinayang si Florante sa Albanya.
Sa ikalawang pahayag ni Florante, ihinihiling niyang huwag sanang mapilantikan ang Albanya ng mga kalaban nito, at maipagtanggol nito ang sarili gamit ang espadang kagaya ng binitbit ni Florante upang ipagtanggol ang Albanya.
Para kay Florante, pinabayaan na siya ng Albanya, kinasusuklaman ng Albanya ang sinupaan niyang tungkuling magtanggol, at hinayaan pa nitong patayin siya ng mga hayop kahit iginugugol niya sa Albanya ang mga iniyak niyang dugo, at kung itanggol niya ang Albanya sa mga mananakop nito, nauubos pa ang tulo ng kanyang dugo, nagpapahiwatig ng marahas na digmaang kanyang dinaraan upang maipagtanggol lamang ang Albanya. Sa huli itinuturing ni Floranteng kamatayan ang bayad sa kanya ng Albanya. Lahat ito ay dahil naniniwala si Floranteng kung mahal niya siya ng Albanya, hindi dapat siya nandirito ngayon sa ganitong masaklap na kalagayan.
Bagaman dito pinasasalamatan pa rin ni Florante ang Albanya, malamang sa dahilang hangad na ring mamatay ni Florante dahil sa sobrang pagpapasakit at kalungkutan.
“ | ” | |
Sa mga huling pitong saknong, binansagan naman ni Florante si Laurang isang mandaraya nang makailang ulit, tahasan at di-tahasan, at si Adolfo naman bilang malupit. Inihayag niyang dapat nang magsaya sina Adolfo at Laura sa kanyang pagkamatay na, ayon kay Florante, matagal na nilang ninanasa, at malapit na ang kanyang kamatayan, kagaya nang ilang ulit niya nang ipinahayag sa ibang mga kabanata. Ang kamatayang ito, ayon kay Florante, ay hindi man lamang pagluluksaan nang kahit munti ni Laura, nagpapahiwatig ng di-pagmamahal.
Sa huli, pinaluha niya ang kanyang sarili ng mga luhang ngdugo at ng kanyang kaluluwa upang matumbasan ng mga ito ang sakit ng pagkalimot sa kanya ni Laura, at ibiniling huwag iyakan ang kanyang buhay kundi ang pagmamahalang tapos na, malamang, kay Laura ngunit maaari rin sa kanyang sarili.