Noli Me Tangere/Kabanata 2/Paliwanag

Kabanata 1: Isang Pagtitipon
Paliwanag
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Paliwanag

Kabanata 3: Ang Hapunan
Paliwanag

Si Crisostomo Ibarra
Kabanata 2 ng Noli Me Tangere
Detalye
Tauhan Crisostomo Ibarra
Kapitan Tiyago
Kapitan Tinong
Donya Victorina
Padre Damaso
Padre Sibyla
Tenyente Guevarra
Grupo ng kababaihan
Grupo ng kalalakihan
Tagpuan Bahay ni Kapitan Tiago
Panahon Gabi ng Oktubre 31
Kanser ng lipunan Crab mentality
pagkainggit
pambabastos sa mga bisita
Talasalitaan
hiyas · itulot · naikaila · nasulyapan · sinipat · napatigagal · pumanaw · matikas · nagbantulot · dayuhan · nagmamalabis · salungatin · sinambit · tagapayo

Buod

Ayon sa Pinoy Collection[1]

Sa pagdating ni Kapitan Tiyago kasabay ng isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan nito, agad niyang binati ang mga panauhin at humalik naman sa kamay ng mga pari.

Nabigla ang mga pari lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata. Ipinakilala ng Kapitan ang binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Pitong taon diumanong nag-aral ang kagalang-galang na binata sa Europa na kadarating lamang.

Kusa namang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya.

Ngunit tumangging makipag-kamay si Padre Damaso at sa halip ay tinalikuran nito si Ibarra.

Samantala, lumapit naman ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin niya ang kabaitan ng ama ni Ibarra na siya namang nagpanatag sa kalooban ng binata.

Palihim na tiningnan ni Padre Damaso ang Tinyente na tila ba nagbabanta kaya naman tinapos na ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra.

Nang malapit ng maghapunan ay inanyayahan naman ni Kapitan Tinong si Ibarra sa pananghalian kinabukasan ngunit magalang na tumanggi ang binata dahil papunta daw ito sa San Diego sa araw na iyon. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng ama ni Ibarra.

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.

Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.

Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.

Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.

Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.

Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.

Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.

Mahahalagang pangyayari

  • Ang pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa pagkatapos ng pitong taon.
  • Pagtanggi ni Padre Damaso kayCrisostomo na kaibigan niya ang ama nito.
  • Paggamit ni Crisostomo ng ugalingAleman sa pagpapakilala sa kanyangsarili sa mga kababaihan.
  • Ang pagkikita at pag-uusap ninaCrisostomo at Tinyente Guevarra.
  • Ang pambabastos ni Padre Damaso kay Crisostomo.

Aral

  • Ang pagiging magalang ni Crisistomo Ibarra, kahit na nga pinakitaan siya ng kagaspangan ng ugali ni Padre Damaso ng itanggi nito na kaibigan niya ang ama ni Crisistomo sa kabila ng kanyang pagkapahiya ay nanatili siyang kalmado at mapag pasensya.Isang kaugalian na dapat nating tularan.
  • Ang kusang pagpapakilala sa sarili kung walang magpapakilalang panauhin, na mayroong paggalang at respeto sa mga taong nandun ang paggalang niya at mataas na respeto sa mga kababaihan at kalalakikan ng siya ay magpakilala sa mga ito.
  • Ang hindi pagpapakita ng pagmamataas sa sarili, kahit na alam ng lahat na siya ay nag aral sa Europa at marami ng kaalaman Bukod pa roon siya ay isang mayamang binata na mayroong kaibig ibig na anyong panlabas na hinahangan ng marami, pero kakikitaan mo parin siya ng pagpapakumbaba.
  • Magmanatili pa rin ang respeto at galang sa mga nakakatanda kahit na ay hindi man kaaya-aya man ang ugali nito.
  • Hindi lahat ng tao na malapit sa buhay natin ay mapagkatiwalaan
  • Huwag magmataas. Mag-ingat sa bawat salitang lalabas sa bibig. Maaring ito ay makasakit sa damdamin ng iba.

Simbolismo

SimboloInterpretasyon
Katauhan ni Don Crisostomo Ibarra
  • kabataang puno ng mga bagong kaisipan buhat sa ibang lupain
  • si Jose Rizal

Talasanggunian

  1. https://www.slideshare.net/pinoycollection/noli-me-tangere-buod-ng-bawat-kabanata-164-with-talasalitaan
    Ikinuha mula sa lisensyang CC BY 4.0.