Noli Me Tangere/Kabanata 1/Paliwanag

Sa Aking Tinubuang Lupa
Paliwanag
Kabanata 1: Isang Pagtitipon
Paliwanag

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Paliwanag

Isang Pagtitipon
Kabanata 1 ng Noli Me Tangere
Iba pang pamagat Isang Handaan
Isang Salusalo
Ang Pagtitipon
Ang Piging
Detalye
Tauhan Kapitan Tiyago
Tiya Isabel
Don Tiburcio
Donya Victorina
Padre Damaso
Padre Sibyla
Tenyente Guevarra
Tagpuan Bahay ni Kapitan Tiago
Panahon Gabi ng Oktubre 31
Kanser ng lipunan Maluho at magastos
Pagtakwil sa sariling lahi
Colonial mentality
Hindi magandang pag-uugali
Talasalitaan
agwador · alkantarilya · apurado · bulwagan · bulyaw · galante · garil · histo · kubyerta · maharlika · mainam · mapagwalang-bahala · mistula · nagunita · nakabalatkayo · napipi · pagkasuwali · pandak · patuya · pinatakasi · radikal · tumungga

Buod

Ayon sa Pinoy Collection[1]

Sa gabing iyon ay nakatakdang ganapin ang marangyang handaan sa bahay ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago upang magsilbing salubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa. Hindi naman iba sa Kapitan ang binata dahil ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan.

Ang bahay ni Kapitan Tiyago na matatagpuan sa Kalye Anluwage ay napuno ng mga bisita. Isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Si Kapitan Tiyago ay kilala sa pagiging matulungin sa mga mahihirap at nabibilang sa mataas na lipunan.

Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga-istima ng mga bisita at ang mga panauhing babae at lalake ay sadyang magkakahiwalay. Nagpahuli namang dumating ang ibang mga panauhin kabilang na ang magkabiyak na sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Hindi naman nagpahuli sa mga panauhin ng Kapitan ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kung kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tinyente Guevarra, ang tenyente ng gwardya sibil.

Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may kanya-kanyang paksa upang ilabas ang kani-kanilang saloobin, makipag-tagisan ng kuro-kuro, at humanap ng papuri. Ilan sa mga napag-usapan ay ang mga Indio o ang mga Pilipino; ang pagkakaalis ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego kahit na matagal itong nagsisilbi doon; ang monopolyo ng tabako, mga pulbura at armas at marami pang iba.

Sa naturang pagtitipon ay hindi pinalagpas ni Padre Damaso na ihayag ang kanyang pangungutya sa mga Indio. Ang mga ito raw ay hamak at mabababang uri ng nilalang.

Samantala, gumawa naman ng paraan si Padre Sibyla upang maiba ang usapan at dito ay pinasok niya pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng dalawampung taon.

Ang paliwanag ni Padre Damaso ay hindi raw nararapat makialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe. Tinutulan naman ng Tinyente ang sinabi ng pari at inilahad na ang parusa ay nararapat lamang raw sa pananaw ng Kapitan Heneral.

Ipinaliwanag din ng Tinyente na kaya nilipat si Padre Damaso ay dahil sa pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal.

Dahil dito ay nagalit si Padre Damaso lalo na nang maalala niya ang tungkol sa mga nawalang mahahalagang kasulatan. Namagitang muli si Padre Sibyla upang pakalmahin si Padre Damaso.

Kalauna’y lumawak muli ang talakayan sa pagtitipon.

Ayon kay writer

Noong huling araw ng Oktubre, ipinahayag ni Don Santiago de los Santos na lalong kilala sa tawag na Kapitan Tiago na nagiimbita ng mga panauhin sa isang hapunan sa kanyang bahay. Ang balitang ito ay ay nakarating sa buong kapaligiran ng Intramuros, Binondo at karatig lugar ng Maynila, na tila apoy na kumalat sa buong panig ng Maynila. Kakaiba ang pag-uugali ni Kapitan Tiago kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng kagipitan, bagamat ayaw niya ang mga taong mapoaghimagsik at nangangalakal. Ang mga kantanod ay tiyak na dadalo kahit hindi naimbitahan ni Kapitan Tiago. Ang lahat ay nagnanais na makarating sa pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing kadahilanan.

Matatagpuan ang malaki bagamat mababang bahay ni Kapitan Tiago sa Anlogue.

Mahahalagang pangyayari

  • Pagkalat ng balita sa engrandeng pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago.
  • Pagdalo ng maraming panauhin sapagtitipon kasama ng mga kilalangtao mula sa pamahalaan at simbahan.
  • Ang pagtitipon ay para sa pagbabalik sa Pilipinas ni Crisostomo Ibarra. at pasasalamat sa Mahal na Birhen.

Aral

  • Huwag tayong mag-maliit ng ating kapwa. Huwag nating tularan ang ginawang pangmamaliit at pang iinsulto ni Padre Damaso para sa kanya ang mga Pilipino ay mga mapagwalang bahala mga walang pakialamam mga mangmang, tamad at mga walang pinag-aralan kaya nararapat lamang daw tawaging Indiyo.
  • Katulad ni Padre Damaso na mapangutya sa mga Pilipino, ngunit siya pala mismo ay mayroong mga katiwaliang ginagawa. Madalas, ang mga taong mapangdusta sa iba ay mas marumi pa sa mga inaakusahan nila.

Simbolismo

SimboloInterpretasyon
Bahay ni Kapitan Tiyago
  • maling pamamahala ng mga Espanyol
  • ang Pilipinas
Kababaan ng bahay ni Kapitan Tiyago
  • mababang moralidad ng mga Espanyol sapagkat nagawa nilang tapakan ang mga Pilipino na siyang may-ari ng bansa
Kalapadan ng bahay ni Kapitan Tiyago
  • ang Pilipinas ay bukas sa impluwensya ng dayuhan
Pagsasabit ng maraming kuwadrado sa bulwagan/salas
  • bagamat nabibilang sa mga kinikilala sa bayan, ang mga tao ay kulang sa karunungan ng sining pantahanan at nalalayo pa sa makabagong kabihasnan
Pag-aaway nina Tenyente Guevarra at Padre Damaso
  • ang pamahalaan (Tenyente Guevarra) at simbahan (Padre Damaso) ay hindi nagkakaisa dahil sa pangingibabaw ng bawat isa
Pagkamahiyain ng mga babae
  • ang mga lalaki ay mas makapangyarihan kaysa sa mga babae
  • hiwalay ang mga babae sa lalaki
Pagtawag sa mga Pilipino bilang Indio
  • nangangahulugang tamad, mangmang at mapagwalambahala

Talasanggunian

  1. https://www.slideshare.net/pinoycollection/noli-me-tangere-buod-ng-bawat-kabanata-164-with-talasalitaan
    Ikinuha mula sa lisensyang CC BY 4.0.