Florante at Laura/Kabanata 13/Paliwanag
←Paglingap ng Persyano ←Paliwanag |
Uliran (Paliwanag) |
Laki sa Layaw→ Paliwanag→ |
Lagom
“ | ” | |
Sa huling saknong ng Kabanata 12, ang kabanata bago rito, itinanong ni Aladin kay Florante ang pinagmumulan ng kanyang kalungkutan nang malutas ito kung may daan man. Itinugunan naman ni Florante ang katanungang ito ni Aladin sa pagsasabing hindi lamang ang pinagmumulan ng kanyang lungkot ang kanyang sasabihin kundi ang kanyang buong buhay mula pagkabata hanggang ngayon. Naganap ang pagsasalaysay na ito sa tapat ng isang punong kanilang itinigilan.
Salaysay ni Florante
Sa unang banda ng kanyang pagsasalaysay sa kanyang buhay, itinanong niya kung bakit pa siya ipinanganak sa Albanya, at hindi sa Krotona nang sana ay maiba man lamang ang kanyang tadhana, at hindi siya lubhang nagdurusa katulad ng ngayon.
Ayon sa pagsasalaysay ni Florante kay Aladin, ipinanganak si Florante sa isang Dukado ng Kaharian ng Albanya kung saan namumuno ang kanyang amang duke, si Briseo, asawa ng Prinsesa Floresca, anak ng hari ng Krotona, at ina ni Florante. Bukod sa pagiging isang duke, Si Briseo ay isa ring pribadong tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Inilalarawan ni Florante ang kanyang ama bilang mapagmahal at mapag-aruga, at pumapalayaw sa kanya ng "Florante bulaklak kong bugtong" na naging bansag niya sa buong pagkabata.
Pinili nang hindi isaysay ni Florante ang ibang pang mga nangyari sa kanyang kabataan dahil alang-alang sa kanya ay hindi ito masyadong mahalaga; maliban dito ang pagsalakay sa kanya ng mga mababangis at malalaking ibon: ang buwitre, arkon, na pinana ng pinsan niyang si Menalipo, at isang di-ipinangalanang ibon.
Nang siya ay siyam na taong gulang na, karaniwan niyang itinutuon ang kanyang oras sa paglalaro sa mga burol, at pangangaso ng mga hayop gamit ang kanyang pana at busog.