Buksan ang pangunahing menu

Noli Me Tangere/Kabanata 58 : Ang Sinumpa

BuodBaguhin

Tuliro at balisa ang pamilya ng mga na bilanggo.Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad.Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaing nagsusumamo sa kanya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.

Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Sinisigaw naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip upang makita ang kanyang kambal na anak sa rehas. Ang biyenan ni Andong ay nanduon din at walang gatol na ipinagsasabi na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Ang isang babae naman ay halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang guro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nyol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala nang kaligtasan si Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon nang dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglalakad ang kanilang mga ka-anak na bilanggo.

Maya-maya, lumabas ang may dalawampung kawal at pinaligiran ang kariton. Ang sumunod na inilabas ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng nakangiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin nito ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasaring ng kanyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albino ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan.

Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod rin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.

Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sisi at tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain.

Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang kinabukasan.

Mula sa isang mataas na lugar, naroon maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na payat at hiang gina. Sinundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si Tasyo sa may pintuan ng kanyang bahay.