Buksan ang pangunahing menu

Dahil sa nangyari, hindi makatulog si Ibarra at naisipan nitong gumawa ng gamot sa laboratoryo. Maya-maya naman ay dumating si Elias, binalita nito na may sakit si Maria Clara, nagpaalam ito kay Ibarra sapagkat pupunta ng Batangas, itinanong din nito kay Ibarra kung wala ba siyang ipagbibilin dito. Tinanong ni Ibarra ang tungkol sa pagpapatigil ni Elias sa kaguluhang nangyayari. Sinabi ni Elias na kakilala niya ang magkapatid na namuno sa gulo, malaki rin daw ang utang na loob ng mga ito kay Elias. Pupuntahan sana nito ang kasintahan nang makasalubong niya si Lucas sa daan. Sinisingil ni Lucas si Ibarra dahil namatay ang kapatid nito mula sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nainis si Ibarra rito kaya tinalikuran na lamang niya ito.

TalasalitaanBaguhin

  1. maiwaglit - mawala
  2. binalot ng kalungkutan - nakaramdam ng pag dalamhati