Buksan ang pangunahing menu

Kapansin-pansin ang tanging bahay na kasara ang mga bintana sa kasagsagan ng prusisyon. Ang bahay na iyon ay pagaari ng isang Donya, si Donya Consolacion. Paano hindi siya pinayagang lumabas at makihalubilo sa mga tao ng kanyang asawa, ang Alperes. May mapipintog at malalaking ugat sa noo ni Donya Consolacion at laging may nakasupalpal na malaking tabako sa bibig. Nakilala ng Alperes ang Donya bilang isang Labandera kaya nahihiya itong ipakilala ang Asawa sa mga kaibigan niyang kastila at mayayamang taga lalawigan. Ikinahiya din ng Alperes ang Donya dahil sa katawa-tawang pananamit at ang amoy nito ay parang amoy ng mga kalaguyo ng mga sundalo. Ngunit para sa Donya, mas maganda siya kay Maria Clara. Ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya ang pagmumura sa kaniya ng Alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kanyang ng ibayong ngitngit.

Narinig ng Donya si Sisa na umaawit sa kwartel kung saan ito nakabilanggo. Ipinatawag ng Donya si Sisa ngunit hindi ito maintindahan ni Sisa sapgkat hindi tagalog ang wikang ginamit ng Donya (spanish po ang ginamit niya). Pinipilit ng Donya ang sarili na magsalita ng Wikang kastila at ayaw niyang ipahalata na siya ay bihasang magsalita ng tagalog upang magmukhang tunay na Europea. Nang pumanhik sa bahay nina Donya Consolacion si Sisa, hindi man niya binati ang paraluman ng guwardiya sibil kaya nagalit ang Donya. Kinuha ng Donya ang latigo ng Alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Donya ang mga guwardiya sibil na sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng Donya at nakakapagsalita ng Tagalog. Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat akalain na marunong mag tagalog ang Donya. Napahiya ang Donya sa nangyari. Binalingan ng Donya si Sisa at sa pilipit na pangangastila ay inutusan itong magbaile o sumayaw. Dahil sa pangangastila ng Donya, hindu maintindihan ni Sisa ang iniutos nito kaya tinawag ng Donya ang kawal upang sabihin sa baliw na sumayaw. Upang mapasunod si Sisa sa kagustuhan, naglulundag at nag-iindak si Donya Consolacion ngunit buong pagtataka lamang siyang pinagmasdan ni Sisa ataya-mayang napangiti.

Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Donya sa gayong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa. Nadatnan ng Alperes ang Donya habang nilalatigo si Sisa. Pinatigil ito ng Alperes at ipinagamot si Sisa

(Compilation po ito sa lahat ng sources na nabasa ko)