Buksan ang pangunahing menu

Noli Me Tangere/Kabanata 12 : Todos los Santos

Noli Me Tangere Kabanata 12: “Todos Los Santos” Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok Kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan. Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin. Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote. Ang tanging bagay marahil na hindi mapagdududahan naipinagkaiba ng tao sa hayop ay ang pagalang sa kanilang mgapumanaw. Nakapagtataka na ang pag-uugaling ito ay malalim na nag-uugat doon sa mga bayang lalong nahuhuli sa kabihasnan.Sinasabi ng mga historiador na ang mga sinaunang naninirahansa Pilipinas ay gumagalang at sumasamba sa kanilang mga ninuno; ngayon ay kabaligtaran ang nangyayari:ang mga patay ay siyang nakikiusap sa mgabuhay. Sinasabing itinatago sa kahong gawa sakahoy ang mga buto ng kanilang mga namatay nakatulad ng mga taga-New Guinea at patuloy nakanilang kinakausap; maraming bayan sa Asya, Aprikaat Amerika ang nag-aalay sa mga patay ng kanilang mga pinakamasarap na pagkain o paboritong kinakain ng namatay noong buhay, at nagdadaos pa sila ng piging na inaakala nilangdinadaluhan ng mga yumao. Ang mga Ehipsiyo ay nagpapatayo nang mga palasyo, ipinagtatayo sila ng munting dambana ng mga muslim ,atbp., ngunit ang bayang pangunahin sa bagay na ito ay lalong nakakilala ay ang Dahomey. Ang mga taong itim na ito ay nakakaalam nang tao ay mapaghiganti; dahil dito, ang kanilang paniniwala upangmasiyahan ang patay, ay lalong mabuti kundi ang patayin sa ibabaw ngkanyang libingan ang lahat ng kaaway nito; at sa dahilang ang mgataong namatay ay nanatili pa ring mausisa at walang magawa sakabilang buhay ay pinadadalhan nila ng balita sa taun-taon nanakasulat sa balat ng isang aliping pinugutan ng ulo. Mga Paliwanag 1. Para kay Rizal ay binago ng kolonyalismo ang pananaw ng mga Pilipino sa mga yumao. Bago tayo masakop ang espiritu ng mga namatay angtagapamagitan ng taong buhay sa mga diyos. Ito ang dahilan kung bakit ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay nagkakaroon ng pagsamba sa kanilang mga yumaong ninuno sa anyo ng mga estatwa na kanilang pinaniniwalaanna lumalarawan sa espiritu ng mga ninuno nilang sumakabilang buhay atnagliligtas sa kanila sa mga kapahamakan. Ito ay tinatawag na ANITO. Sapanahon ng pananakop hanggang sa ngayon ang mga taong buhay anggumagawa ng paraan upang ang mga namatay ay makalapit sa Diyos sapamamagitan ng mga pamisa o ritwal pang-relihiyon. Ang huling hanay ngpaniniwala ang pinalaganap sa Pilipinas at pinakinabangan ng malaki ng mga prayle. (S)ANITO o SAN (I) TO 2. Dito ay makikita ang malalim na interes ni Rizal sa pag-aaral ngetnograpiya. Ayon sa libro ni Zaide si Rizal ay naging miyembro ng Berlin Anthropogical and Ethnological Society, noong ang bayani ay nanirahan sanasabing lungsod. Nagkaroon din si Rizal ng pagkakataon na makapaglahadng isang papel panayam/lecture na may pamagat na Tagalische Verskunst sa isang pagpupulong ng Berlin Ethnological Society noong Abril 1887.