Noli Me Tangere/Kabanata 1: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Atcovi (usapan | ambag)
m Protected "Noli Me Tangere/Kabanata 01 : Isang Salusalo": Protection from further vandalism ([Pagbabago=Hadlangan ang bago at hindi nagpapatalang mga tagagamit] (mawawalan ng bisa sa 22:18, 30 Enero 2020 (UTC)) [Ilipat=Hadlangan ang bago at hindi nagpapatalang mga tagagamit] (mawawalan ng bisa sa 22:18, 30 Enero 2020 (UTC)))
Yivan000 (usapan | ambag)
Added "Teksto" and "Talasalitaan"
Linya 1:
==Buod Teksto ==
Hindi naging ugali ni Don Santiago de los Santos o Kapitan<ref group="talasalitaan">'''kapitan''' - punong-bayan</ref> Tiago ang biglang paghahanda. Ngunit nang hapong iyon nang malapit nang magtapos ang Oktubre, ay inihayag niyang mag-imbita siya sa isang hapunan. Kumalat sa buong Intramuros<ref group="talasalitaan">'''Intramuros''' - halaw sa latín na ''intra muros'' o sa loob ng mga pader.</ref>, Binondo, at sa iba't ibang lugar sa Maynila ang sinabing iyon ng Don. Sikat na sikat si Kapitan Tiago sa pagiging galante<ref group="talasalitaan">'''galante''' - laging handang gumastos</ref>. Mapagbigay siya at madaling lapitan maliban na nga lamang sa mga taong sobrang radikal<ref group="talasalitaan">'''radikal''' - taong nagtataguyod ng ganap na pagbabago; rebolusyonaryo</ref> ang pag-iisip at sa mga negosyante.
 
Parang daloy ng kuryente ang biglang pagkahat ng balita. Nakarating sa mga bahay ng mga linta, bangaw, at kantanod sa lipunan na dahil sa walang hanggang awa ng Diyos ay patuloy na dumarami sa Maynila.
Noong huling araw ng lamay ni Don Rafael, ipinahayag ni Don Santiago de los Santos na lalong kilala sa tawag na Kapitan Tiago na nagiimbita ng mga panauhin sa isang hapunan sa kanyang burol. Ang balitang ito ay nakarating sa buong kapaligiran ng Intramuros, Binondo at karatig lugar ng Maynila, na tila apoy na kumalat sa buong panig ng Asia. Kakaiba ang pag-uugali ni Kapitan Tiago kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng kagipitan, bagamat ayaw niya ang mga taong mapaghimagsik at nangangalakal. Ang mga kantanod ay tiyak na dadalo kahit hindi naimbitahan ni Kapitan Tiago. Ang lahat ay nagnanais na makarating sa pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing kadahilanan.
 
May nagpapakintab ng sapatos. Ang iba naman ay naghahanap ng mga butones at kurbata. Gulong-gulo ang lahat. Umiisip sila ng mainam<ref group="talasalitaan">'''mainam''' - mabuti</ref> na pagbati sa mayhanda para isiping dati silang kakilala. Inisip na rin nilang magdahilan sakaling maatraso sila nang dating.
==Mga Talâ==
 
Mgá talâ sa kabanatà sa ayos ng paglitáw sa orihinál na akdâ (at sa mgá saling waláng-kaltás):
Nasa kalye Anloague<ref group="talasalitaan">'''Anloague''' - kinastilang Tagalog na ''anluwagi'' o karpintero</ref> na ngayo'y Juan Luna ang bahay ni Kapitan Tiago, pero hindi na matandaan ang numero nito. Malaki, katulad ng maraming bahay sa Pilipinas, at nasa may pampang ng Ilog Binondo na kasanga ng Ilog Pasig. Tulad din ng iba pang ilog sa Maynila, ang Ilog Binondo ay paliguan, alkantarilya<ref group="talasalitaan">'''alkantarilya''' - kanal na yari sa tubo, semento o kongkreto na nasa ilalim ng lupa at daanan ng maruming likido</ref>, labahan, pangisdaan, pamangkaan, tulayan at igiban ng inumin kung walang masalukan ang agwador<ref group="talasalitaan">'''agwador''' - tagasalok ng tubig</ref> na Intsik.
 
Mababa ang bahay ng may handaan at hindi gaanong maayos ang pagkakagawa. Puwedeng dahil iyon sa pagkakamali ng arkitekto. Maaari ring naapektuhan ng lindol o bagyo.
 
Napakasaya sa bahay ni Kapitan Tiago nang gabing iyon. Maliwanag ang mga ilaw at sumasabay sa magagandang tugtugin ng orkestra ang kalansingan ng mga kubyertos at pinggan.
 
Isang malaki at nagagayakang mesa ang nasa gitna ng bulwagan<ref group="talasalitaan">'''bulwagan''' - malaking silid sa pasukan ng isang silid o gusali</ref>. Parang nag-iimbita ang mesang ito sa mga kantanod. pero nagbababala naman sa mahiyaing mga babae ang dalawang kainip-inip na oras pagkat tiyak na kakausapin sila ng mga bisitang dayuhan.
 
May mga antigong larawang sining sa dingding. Namumukod ang larawan ng dalawang babaeng pinamagatang ''Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje'', pintakasi<ref group="talasalitaan">'''pinataksi''' - patron</ref> sa Antipolo, at ang nakabalatkayong<ref group="talasalitaan">'''nakabalatkayo''' - nagpanggap</ref> pulubi na dumalaw sa may sakit. Siya ang kilalang banal na si Kapitana Ines.
 
Nagsisikip ang bulwagan sa bisita. Hiwalay ang grupo ng mga babae sa lalaki, tulad sa loob ng mga simbahang Katoliko. Maiikli at pabulong kung magsalita ang mga babae. Nagtatakip pa ng pamaypay sa bibig ang ibang hindi maiwasan ang maghikab. Dahil kaya sa mga larawan ng Birhen sa dingding kaya sila mahiyain o talagang ibang-iba ang mga babae noon?
 
Nag-iisa ang may edad nang pinsang babae ni Kapitan Tiago sa pag-salubong sa mga bisitang ginang at dalaga. Garil<ref group="talasalitaan">'''garil''' - bulol</ref> man sa pangangastila ay may mamo namang mukha ang matandang ito. Magalang sa pagsalubong at may nakahanda na agad siyang hitso<ref group="talasalitaan">'''histo''' - nganga</ref> at sigarilyo sa mga dayuhang babae. Nagpapahalik siya ng kamay sa mga bisitang Pilipina paris ng ginagawa ng mga prayle<ref group="talasalitaan">'''prayle''' - makapangyarihang pari ng simbahang Katoliko Romano na kasapi sa alinmang ordeng panrelihiyon ng mga lalaki</ref>. Madaling napagod ang matanda sa gayong pagsalu-salubong kaya't nang may marinig na nabasag na pinggan sa kusina ay nakasilip siya ng dahilan upang makaalis.
 
"Sus! Hintay kayo mga walang ingat!" pagdadahilan niya sa paglabas. Hindi na siya nagbalik.
 
Masigla na ang kapan ng mga lalakii. Makikita sa inang sulok ang grupo ng maga kadete. Masaya silang nag uusap nang mahina. Patingin-tingin sila sa ilang bisita. Paminsan-minsa'y may ituturo at saka lihim na pagtatawanan. Sa kanilang tapat ay may dalawang dayuhang nakaputi. Palakad-lakad na para bang inip na inip na mga pasaherong nasa kubyerta ng bapor<ref group="talasalitaan">'''kubyerta ng bapor''' - plataporma sa parko sa sumasakop sa buo o bahagi ng lawak nito at nagsisilbing palapag</ref>. Ang pinakamasaya sa lahat ng naroroon ay ang pangkat ng dalawang prayle, dalawang sibilyan, at isang sundalo. Nasa gitna nila ang isang mesang may alak at biskotsong Ingles
 
Tenyente ng guardia civil<ref group="talasalitaan">'''guardia civil''' - taguri sa puwersa ng mga pulis o militar noong panahon ng Espanyol</ref> ang sundalo. Matanda na. Matangkad. Tahimik at prangkang magsalita. Makisig ang isang prayle, bata pa, at pormal. Siya si Padre Sibyla, ang Dominikong pari sa Binondo. Dati rin siyang propesor sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Mahusay siya sa debate. Tahimik at maingat sa pagsasalita. Ang isa pang prayle ay Pransiskano. Madaldal at pakumpas-kumpas pa kung magsalita. Maingat sa katawan kaya't malusog kahit may puting buhok na. Dahil sa kanyang masayang mukha, nanunukat na tingin, maumbok na pisngi, at magandang tindig ay mistula<ref group="talasalitaan">'''mistula''' - parang; tila</ref> siyang maharlikang<ref group="talasalitaan">'''maharlika''' - mayaman, tinitingala sa lipunan</ref> Romano na nagbabalatkayong prayle. Masaya siya ar bigay-todo kung tumawa, kaya naman hindi siya nakaiinisan kahit masakit at prangkang magsalita. Para bang ang lahat ng sabihin niya ay tama at may kabanalan.
 
Sa dalawang sibilyang naroroon ay isa ang pandak<ref group="talasalitaan">'''pandak''' - maliit</ref>. May balbas na itim at napakatangos ng ilong. Ang isa pa ay may mapulang buhok. Anyong bagong dating siya sa Pilipinas. Sila ng Pransiskano ang masiglang nag-uusap.
 
"Mapaparunayan din ninyo habang nagtatagal kayo rito," wika ni Padre Damaso. "Maniniwala kayo sakin na ibang iba ang pamamahala sa Madrid kaysa paninirahan sa Pilipinas."<blockquote>"Ngunit..."</blockquote>"Halimbawa'y ako," inilakas pa ng Pransiskano ang pagsasalita para hindi makasingit ang kausap, "Hinog na ako sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu't tatlong taon na akong kumakain ng saging at kanin. Huwag na ninyo akong gamitan ng kung ano-ano at mabulaklak na mga salita. Kilala ko ang Indio<ref group="talasalitaan">'''Indio''' - tawag ng mga Espanyol sa mga katutubo ng Pilipinas</ref>. Pagdating na pagdating ko sa Pilipinas ay idinestino agad ako sa isang maliit na bayan na pagsasaka ang ikinabubuhay. Mahina pa ako noon sa Tagalog, pero kinukumpisal ko na ang mga babae. Nagustuhan nila akong mabuti kaya't napaiyak ang mga babae nang ilipat ako sa iyang malaking bayan pagkaraan ng tatlong taon. Tinambakan nila ako ng regalo at inihatid pa ng bandang musiko nang ako'y umalis..."
 
"Ngunit ito'y katunayan lamang ng...," agaw ng binata.<blockquote>"Teka Teka! Huwag kayong apurado<ref group="talasalitaan">'''apurado''' - nagmamadali</ref>. Ang paring pumalit sa akin ay hindi nagtagal doon. Pero nang siya'y umalis ay mas grabe ang iyakan. Mas maraming banda kahit na sobra-sobra siyang namalo at nagtas ng mga singil sa simbahan..."</blockquote><blockquote>"Ngunit ipahintulot ninyon..." </blockquote>"Ang isa pa," dugtong ni Padre Damaso. "Dalawampung taon akong tumigil sa San Diego, Kailan lang ako umalis doon." Parang may nagunitang hindi maganda ang pari. Nagpatuloy siya. "Sobra-sobra na ang dalawampung taon para makita ang bayan. Ang populasyon ng San Diego ay anim na libo. Parang mga anak ko ang lahat kaya't kilala ko ang bawat isa. Alam ko kung sino ang lumiligaw kay ganito at ganoon. Kung ano ang resulta at sino ang may kagagawan. Kinukumpisal ko silang lahat. Ngayon, makikita ninyo kung ano ang Indio. Nang umalis ako, iilang matatanda at hermano tercero<ref group="talasalitaan">'''hermano tercero''' - karaniwang mamamayan ng Ikatlong Orden</ref> ang naghatid sa akin gayong dalawampung taon akong nanirahan doon."
 
"Wala po akong maisip na relasyon niyan sa desestanco ng tabako," anang binatang pula ang buhok nang makitang tumungga<ref group="talasalitaan">'''tumungga''' - uminom</ref> ng isang kopitang heres ang Pransiskano.
 
Muntik nang mabitiwan ni Padre Damaso ang kopita sa narinig. "Ano? Ano?" malakas niyang tanong. "Ang liwa-liwanag na parang sikat ng araw ay hindi ninyo nakikita? Katunayan lang ito, Anak ng Diyos, na ang repormang ginagawa ng mga ministro ay mali!" At saka tinalikuran ni Padre Damaso ang mga kausap.
 
May pagtatakang tiningnan ng binata ang prayle. "Naniniwala ba kayong..."<blockquote>"Naniniwala ako...? Paris ng paniniwala ko sa Ebanghelyo sobrang mapagwalang-bahala<ref group="talasalitaan">'''mapagwalang-bahala''' - iresponsable; walang pakialam</ref> ang mga Indio!"</blockquote>"Ipagpaumanhin ninyong makasagot ako," pabulong ang pagkakabigkas ng binatang mapula ang buhok. Hinila pa niyang palapit ang upuan. "Totoo kayang mapagwalang bahala ang tagarito o baka naman sinasangkalan lamang natin ang kapintasang iyan ng mga Pilipino para mapagtakpan ang ganyan din nating ugali, ang mabagal na pag-unlad sa sistema ng pananakop sa ibang bansa gaya ng sinabi ng isang dayuhang manlalakbay?"<blockquote>"Hus! Inggit lamang iyan! St Ginoong Laruja ang tanungin ninyo kung may makatatalo pa sa kamangmangan at pagkamapagwalang-bahala ng mga Pilipino. Kilala rin niya ang bansang ito."</blockquote>"Tama!" agaw ng pandak na Kastila. "Wala kayong makikitang sinuman sa daigdig na hihigit pa sa ugaling iyan ng mga Indio! <blockquote>"Gayon din sa masamang hilig at pagkasuwail<ref group="talasalitaan">'''pagkasuwail''' - pagiging matigas ang ulo o pagiging masama</ref>!"</blockquote><blockquote>"At sa kawalan ng pinag-aralan!"</blockquote>May pagkabalisang iginala ng binatane may mapulang buhok ang kanyang paningin. "Nasa bahay tayo ng isang Indio," aniya. "Ang mga babaing iyan..."<blockquote>"Huwag kayong mag alala! Hindi naman itinuturing ni Santiago na isa siyang Indio. Bukod dito ay wala naman siya. At saka kahit ba naririto pa siya...e! Walang kwentang pala-palagay lamang iyan ang mga dayuhang bagong dating. Nakasisiguro akong mababago ang iyong paniniwala sa loob lamang ng ilang buwan, kapag nasanay na kayong magdadalo sa mga pista at sayawan, matulog sa kama, at makapagkakain ng tinola. </blockquote><blockquote>"Ang tinatawag ba ninyong tinola ay bunga ng halamang ''loto'' na nagiging makakalimutin ang sinumang makakain?" </blockquote>"Ano bang loto o loterya?" ani Padre Damaso. "Ang tinola ay ginisang manok na may upo. Gusto ba ninyong pagtawanan kayo? Kailan pa ba kayo rito sa Maynila?"
 
"Aapat na araw po lamang. Sarili kong pera ang ginastos ko para makilala ang lupaing ito," tugon ng binata.
 
"Kakaiba palang tao ito!" bulalas ni Padre Damaso. "Nagbiyahe sa sariling pera sa walang kuwentang layunin! Kataka-taka! Ngayong marami nang nasulat na libro tungkol sa lupaing ito ... sapat nang magkaroon ng makitid na noo ... marami nang nakasulat ng mahahalagang aklat sa ganyang paraan! Sapat na ang makitid na noo..."
 
"Padre Damaso," putol ni Padre Sibyla. "Sabi ninyo'y umalis kayo sa San Diego pagkaraang manirahan doon ng dalawampung taon Hindi ba kayo nasiyahan doon?"
 
Napipi<ref group="talasalitaan">'''napipi''' - di nakapagsalita</ref> si Padre Damaso. Pagkatapos ay paungol na nagwika sabay ng biglang pag-upo. "Hindi!"
 
Nagpatuloy naman ang Dominiko. <blockquote>"Masakit sigurong iwan ang isang bayang dalawampung taong tinigilan at kilalang-kilala tulad ng kanyang abito. Mismong ako, nalungkot ako nang iwan ang Camiling na ilang buwan ko lamang pinanahanan. Pero dahil din sa kabutihan ng aming komunidad kaya ako inilipat ... at ang pagkalipat ko'y sa kabutihan ko na rin."</blockquote>Napasuntok si Padre Damaso sa kamay ng upuan. "May relihiyon ba? Malaya ba ang mga pari?" pabuntonghininga niyang wika. "Napapahamak na ang bayan!" At saka sumuntok sa upuan.
 
Napatingin sa kanila ang nabiglang mga panauhin. Gumanti ng tingin sa ihalim ng kanyang salamin ang Dominiko. Napahinto ang paglakad-lakad ng dalawang dayuhan. Nagkatinginan at saka nagkangitian. Nagpatuloy sila sa paglalakad-lakad.
 
"Ano ang ibig ninyong sabihin, Reverencia<ref group="talasalitaan">'''Reverencia''' - salitang ginagamit bilang pagbibigay-galang sa mga pari, ministro, pastor o sinumang inordina sa tungkuling panrelihiyon</ref>? Ano'ng nangyayari sa inyo?" sabay na pagtatanong ng Dominiko at tenyente sa magkaibang tono ng pagsasalita.
 
"Kinukunsinti ng mga nasa gobyerno ang mga ereheng kalaban ng Diyos kaya maraming disgrasyang naganap," patuloy ng Pransiskano na itinaas pa ang nakadakot na kamao.
 
Kunot ang noong medyo napatayo ang tenyente. "Ano ang ibig ninyong sabihin?"
 
"Sinasabi ko ang ibig kong sabihin!" mas malakas ang boses ni Padre Damaso. Hinarap niya ang tenyente. "Ibig kong sabihin kapag isang pari ang nagpahukay ng nakalibing na bangkay ng isang erehe ... kahit hari ay walang karapatang makialam ... lalo na ang magparusa."
 
Tumayong bigla ang tenyente at sumigaw. "Padre, ang kanyang Kamahalan, ang Kapitan Heneral, ay siyang Vice-Real Patrono<ref group="talasalitaan">'''Vice Real Patrono''' - titulo ng gobernador-heneral sa Pilipinas bilang pinakamataas na kinatawan ng hari ng Espanya sa bansa.</ref>!"
 
Tumayo rin ang Pransiskano. "Anong Kamahalan at anong Vice-Real Patrono ang sinasabi mo? Kung noon ito nangyari, tiyak na kinaladkad sa hagdan paris ng ginawa ng mga korporasyon sa suwail na Gobernador Bustamante. Noon ang panahon ng tunay na pananampalataya!"<blockquote>"Hindi ko mapapayagan ito! Ang Kanyang Kamahalan ay kinatawan ng Kataas-taasang Hari!"</blockquote><blockquote>"Para sa amin ay walang ibang hari kundi ang tunay lamang."</blockquote>Ang lahat ng ito ay hindi na nasikmura ng tenyente.
 
"Tumigil kayo!" bulyaw<ref group="talasalitaan">'''bulyaw''' - malakas at pagalit na sigaw na tanda ng pagataboy</ref> niya na parang nag-uutos sa kanyang mga sundalo. "Bawiin ninyo ang lahat ng iyan at kung hindi'y makararating ito sa Kanyang Kamahalan bukas na bukas din!"
 
"Sige! Magsumbong ka kahit ngayon! Sige!" patuyang<ref group="talasalitaan">'''patuya''' - painsulto</ref> agaw ng Pransiskano na lumapit pa sa tenyente na nakadakot ang kamo. "Ngayon ba't nakaabito ako ay wala na akong...? Sise! Ipahahatid ko pa kayo sa karwahe ko!"
 
Doon humantong ang kanilang pag-uusap. Buti na Lamang at namagitan si Padre Sibyla.
 
"Mga ginoo!" aniya sa makapangyarihang tinig. "Iwasan nating makabigkas ng isasama ng loob ng isa't isa nang wala namang dahilan. Iba ang sinasabi ni Padre Damaso bilang pari kaysa kanyang personal na ibig sabihin."
 
"Pero ako, nang hindi sinasadya, Padre Sibyla, ay nalaman ko ang dahilan," anang militar na nangangambang baka sa huli ay siya pa ang mapasama. "Alam ko ang mga dahilan. Alam ko po ang pagbabatayan ng inyong Reverencia. Si Padre Damaso ay wala noon sa San Diego. Ang katulong na paring Pilipino ay siyang nagpalibing sa bangkay ng isang marangal na ginoo roon. Kilala ko ang ginoong ito. Maraming beses ko siyang nakausap at nakituloy pa ako sa kanila. E, ano kung hindi siya nangumpisal kahit minsan. Ako man ay hindi rin. Pero kasinungalingan ang sabing nagpakamatay siya. Isa itong paninira. Imposibleng magpakamatay ang paris niyang may isang anak na minamahal na katuparan ng kanyang pag-asa. Maka-Diyos siya at alam ang tungkulin sa lipunan ... marangal at matapat!"
 
Tinalikuran ng tenyente ang Pransiskano bago nagpatuloy.<blockquote>"Nagbalik sa bayan ang paring ito. Matapos hamakin ang kanyang katulong na paring Pilipino ay inutusang hukayin ang bangkay at ipinabaon sa hindi malamang pook. Hindi nakatutol ang San Diego basta't ilan lamang talaga ang nakaaalam sa nangyari. Wala isa mang kamag-anak dito ang namatay. Ang kaisa-isa niyang anak ay nasa Europa. Pero, nalaman ng Kapitan Heneral ang pangyayari. At sapagkat siya'y makatarungan, hiningi niyang parusahan ang nagkasala. Kaya, inilipat si Padre Damaso sa mas malaking bayan. Ito lamang ang masasabi ko, Padre Sibyla."</blockquote>Umalis ang tenyente at lumiput sa ibang grupo.
 
"Dinaramdam kong nabuksan ang paksang ito," malungkot na wika ni Padre Sibyla. "Pero, nakabuti naman sa inyo ang pagkakalipat..."
 
Hindi nakapagpigil ng galit si Padre Damaso nang tumugon. "Ano po bang nakabuti! Maraming nawala sa paglilipat-lipat ... mga kasulatan ... iba't ibang bagay."
 
Marami pang dumating na bisita. May isang pilay na Kastila na mukhang mabait. Nakakapit siya sa bisig ng isang Pilipina na nagpakulot ng buhok. Naka-''make-up'' at suot-''European''. Sila ang mag-asawang Doktor de Espadaña at Doktora Donya Victorina. Nakiumpok sila sa grupo.
 
"Sino, Ginoong Laruja, ang may-ari ng bahay na ito?" tanong ng binatang mapula ang buhok. Hindi pa ako naipakikilala sa kanya.
 
"Hindi na kailangan dito ang pagpapakilala," tugon ni Padre Damaso. "Mabait na tao si Santiago."
 
Di nagtagal ay mat dalawa pang dumating.
 
== Buod ==
Noong huling araw ng lamay ni Don Rafael, ipinahayag ni Don Santiago de los Santos na lalong kilala sa tawag na Kapitan Tiago na nagiimbita ng mga panauhin sa isang hapunan sa kanyang burol. Ang balitang ito ay nakarating sa buong kapaligiran ng Intramuros, Binondo at karatig lugar ng Maynila, na tila apoy na kumalat sa buong panig ng Asia. Kakaiba ang pag-uugali ni Kapitan Tiago kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng kagipitan, bagamat ayaw niya ang mga taong mapaghimagsik at nangangalakal. Ang mga kantanod ay tiyak na dadalo kahit hindi naimbitahan ni Kapitan Tiago. Ang lahat ay nagnanais na makarating sa pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing kadahilanan.
 
== Talasalitaan ==
# '''Binundók.''' Lumang katawagán sa Binondo, isá sa tatlóng pangunahing hatián ng Maynilà noong 1800s; kasama ng Intramuros at Tundó.
<references group="talasalitaan" />
# '''Intramuros.''' Halaw sa latín na ''intra muros'' o sa loob ng mga pader.
# '''Capitán.''' Ang titulong ito ni don Santiago ay katumbas ng punong-bayan sa kasalukuyan
# '''Anloague.''' Kinastilang Tagalog na ''anluwagi'' o karpintero.