Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa tigdas at pantal ng balat


Ang tigdas ay malubhang impeksyon na sanhi ng virus na napagkikilala sa pamamagitan ng pamumutok at pamamaga ng conjunctiva at daanan ng hangin.

Paggamot ng Tubig...

  • Punasan ang pasyente, 3 ulit maghapon. (Paraan)
  • Panatilihing may malamig na pomento sa noo para sa sakit ng ulo. (Paraan)
  • Kung may ubo, pomentuhan ang dibdib at Iikod, 2 ulit maghapon. (Paraan)
  • Paligong may gawgaw para mapahupa ang pangangati. Maaari itong gawin sa halip na punas na paligo. (Paraan)
  • Ipagsanggalang ang mga mata sa liwanag. Padilimin ang silid-tulugan sa pamamagitan ng paglalagay ng kurtina sa mga bintana at paggamit ng malamlam na ilaw sa gabi.

Paggamot ng Halaman sa pantal

baguhin

Lagundi

baguhin

Kumuha ng mga dahon. Sundin ang mga tagubitin sa (paraang ito) .

Harinang kamoteng kahoy

baguhin
    Balatan at gadgarin ang isang katamtamang laki ng kamoteng kahoy. Katasin at dagdagan ng tubig na sapat sa isang palangganang paliguan ng sanggol at pakuluan.
  Ibabad sa loob ng 10-15 minuto
ang sanggol sa tubig na may gawgaw ngunit huwag kuskusin ang balat.