Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa pilay

Ang pilay ay pagkapilipit ng kasukasuan, na lumilikha ng pagkabanat o sugat sa mahimaymay na tisyu na nag-uugpong sa mga litid.

Paggamot ng Tubig

baguhin
  • Lapatan agad ng yelong nababalot sa damit ang napinsalang bukung-bukong o pulsuhan, 3 beses maghapon. (Paraan)
  • Pomentuhan nang malamig ang bahaging may pinsala sa loob ng 30 minuto, 3 beses maghapon. (Paraan)
  • Balutin ang bukung-bukong o pulsuhan ng benda, pagkatapos malapatan ng nakabalot na yelo.
  • Ipahinga ang mga paa o braso sa loob ng 3 araw kung masidhi ang sakit at pamamaga.
  • Patingin agad sa manggagamot kung masidhi, ang kirot at pamamaga.

Paggamot ng Halaman

baguhin

kamatis

baguhin
  Magdikdik ng 2 hanggang 3 dahon.
    Itapal sa bukung-bukong o pulsuhan sa loob ng 30 minuto, 3 beses maghapon. Bendahan ang tapal.

Kamantigue

baguhin
  Magdikdik ng dahon.
    Itapal sa loob ng 30 minuto, 3 beses maghapon. Bendahan ang tapal.

Kakawate

baguhin
  Magdurog ng 10 dahon.
    Itapal sa loob ng 30 minuto, 3 beses maghapon. Bendahan.
  Magdurog ng 10 dahon.
    Itapal sa kapansanan sa loob ng 10 minuto, 3 beses maghapon.

oregano

baguhin
  Magdurog ng 10 dahon.
    Itapal ng 30 minuto, 3 beses maghapon.