Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Balot na yelo

Pakahulugan

baguhin

Paglalapat ng yelo sa Isang bahagi ng katawan.

Mga Nagagawa

baguhin
  • Pinahuhupa ang kirot.
  • Iniiwasan ang pangingitim o pangangasul ng kulay ng balat dahil sa pagdurugo ng mga napakaliliit na ugat.
  • Pinatitigil ang pagdurugo, lalo na kung ididiin ito.
  • Hinahadlangan at binabawasan ang pamamaga.
  • Binabawasan ang daloy ng dugo sa bahaging ginagamot.
  • Pinasisikip ang daluyan ng dugo, kung gayon napipigil ang pagdurugo.

Mga Bagay na Kailangan

baguhin
  • Dalawang (2) tuwalya.
  • 2 perdible.
  • Dinurog na yelo   ang dami ay ayon sa laki ng bahaging gagamutin.
  • Isang piraso ng pranelang damit o kumot ng sanggol.
  • Isang supot na plastik.

Paraan

baguhin
  1. Ikalat ang dinurog na yelo sa tuwalya hanggang sa kapal na isang pulgada. Ang lapad ay kailangang sapat sa bahaging gagamutin. Ibalot at perdiblehan.
  2. Balutin ng pranelang damit o tuwalya ang kasukasuan o bahaging gagamutin at ilagay dito ang binalot na yelo, na sinusunod ang balangkas ng bahaging ginagamot.
  3. Huwag kailanman ilalapat ang yelo sa balat. Isilid ang binalot na yelo sa isang plastik na supot at ingatang huwag mabasa ang higaan.
  4. Tagal ng paggagamot: 30 minuto hanggang 1 oras. Kung may nadaramang tila nakapapaso, dagdagan ang saping tuwalya o pranelang damit.
  5. Tapusin ang paggagamot sa pamamagitan ng pag-alis ng binalot na yelo; patuyuing mabuti ang bahaging ginamot at matyagan ang reaksyon. Maaari itong ulitin pagkaraan ng 2 oras sa mga malubhang pinsala upang pahupain ang kirot at pamamaga.
  6. Takpan o bendahan ang bahaging may pinsala upang maiwasan ang pangangaligkig, lalo na sa malulubhang pilay ng mga bukung-bukong.