Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa lagnat
Paggamot ng Tubig
baguhin- Pagkalooban ang pasyente ng punas-na-paligo Kung ang lagnat ay mataas at ang mga braso at mga paa ay malamig, pagkalooban ang pasyente ng mainit na punas-na-paligo, at malamig naman kung balat ay tuyo at mainit. Kung karaniwan ang init ng balat, gumamit ng maligamgam na tubig. Ulitin ito ng 3 beses o higit pa, kung kailangan, sa loob ng isang araw. (Paraan)
- Panatilihing nakahiga ang may karamdaman at may patuloy na malamig na pomento sa noo. (Paraan)
- Mainit na paligo sa paa. Kung ang lagnat ay bunga ng trangkaso, pagkalooban ang pasyente ng mainit na paligo sa paa sa umaga at sa gabi, pagkatapos ng hapunan. (Paraan)
- Uminom ng tubig o anumang katas ng prutas bawat oras sa panahong gising.
Paggamot ng Halaman at iba pa (punas)
baguhinSuka
baguhinLagyan ng 2 kutsarang suka ang isang palanggana ng malamig na tubig. | |
Gamitin itong pang-pomento sa noo kung walang yelo. |
Balimbing
baguhinPakuluan ng 10 minuto ang 2 tasa ng tinadtad na dahon sa ½ galong tubig. Salain. Palamigin sa loob ng 2 oras. | |
Gamitin ito para sa malamig na pomento kung walang yelo. |
Kamyas
baguhinPakuluan ng 15 minuto ang 3 tasa ng tinadtad na sariwang dahon sa isang galong lubig. Salain. | |
Gamitin ang tubig para sa malamig o mainit na punas na paligo. |
Paggamot ng Halaman na Iniinom
baguhinGamitin ang isa sa sumusunod na panggamot upang matulungan ang pagpapababa ng lagnat.