Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Mainit na tubig sa paa
(Tinuro mula sa Mainit na tubig sa paa)
Pakahulugan
baguhinLubog na paligo ng mga paa, bukung-bukong at binti.
Mga Nagagawa
baguhin- Pinagiginhawa ang paninikip sa ulo, dibdib at balakang sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng dugo mula sa mga bahaging ito patungo sa mga binti at paa.
- Pinahihinto ang balinguyngoy (pagdurugo sa ilong).
- Pinagiginhawa ang kirot at pulikat sa mga paa at binti.
- Nakapagpapapawis sa may lagnat — pinabababa ang temperatura ng katawan.
- Nababawasan ang pananakit ng ulo.
- Pinagiginhawa ang buong katawan.
Mga Bagay na Kailangan
baguhin- Isang balde o timbang plastik.
- Isang maliit na palanggana.
- Isang malaking kaserola o kaldero ng kumukulong tubig.
- Silya o bangkito.
- Labakara o damit na pangpomento.
- Pitsel o tabo
- Mga lumang diyaryo, kung isasagawa sa higaan.
- Tuwalya.
- Isang kumot.
Paraan
baguhin- Isara ang mga bintana at pinto. Kung isasagawa sa banyo, paupuin ang pasyente sa silya. Kung mahina at hindi makaupo ang maysakit, pahigain sa kama.
- Hubarin ang kasuotan ng maysakit at balutin ng kumot.
- Ilagay ang mga paa ng pasyente sa timba o palangganang may tubig. Hanggang bukung-bukong ang lalim ng tubig sa simula. Ang init ay katulad ng kayang tiisin.
- Lagyan ng malamig na pomento sa ulo o sa batok.
- Dagdagan ng mainit na tubig. Sa pagdaragdag ng mainit na tubig igawi ang mga paa ng pasyente sa isang tabi at ilagay ang inyong kamay sa pagitan ng mga paa at daloy ng tubig. Dagdagan ang init ayon sa kayang tiisin ng pasyente.
- Patuloy na magdagdag ng mainit na tubig hanggang 20 o 30 minuto, at palitan ang malamig na pomento tuwing 2 or 3 minuto. Huwag bayaang lumamig ang tubig.
- Pagkatapos ng paraang ito, buhusan ng malamig na tubig ang mga paa.
- Kung malakas ang pasyente, maaari siyang mag-shower ng salisihang mainit at malamig.
- Patuyuin at panatilihing maginhawa ang pasyente. Papagpahingahin siya hanggang tumigil ang kanyang pagpapawis.