Ang alipunga ay pamumutok ng balat na may pamumuo ng maliliit at makating tila butlig, at pangangaliskis ng kamay at paa, tangi na sa pagitan ng mga daliri ng paa.
Mainit na tubig sa paa na may kasamang baging ng Makabuhay
Magtadtad ng isang talampakang haba ng baging at pakuluin sa 5 basong tubig sa loob ng 15 minuto.
Ibabad ng 15 minuto ang paang may karamdaman o kaya ay hanggang matitiis. Samantalang nakababad ang paa, kuskusin ng bulak ang pagitan ng mga daliri nito, na inaalis ang patay na balat at pinipisa ang mga butlig. Panatilihing nakababad sa loob ng 10 pang minuto pagkatapos na maalis ang patay na balal. Ibabad ang paa 2 ulit isang araw kung malubha ang impeksyon. (Paraan).
PAG-IINGAT: Ang alipunga ay totoong nakahahawa. Nalalalinan nito ang mga daliri at ang isa pang paa. Ang tuwalyang ginamit na pangpatuyo sa paa at mga daliri ay di dapat gamitin na pantuyo sa ibang bahagi ng katawan. Gumamit ng bulak na pandampi sa pagtuklap ng langib. Hugasang mabuti ang palanggana na pinagbabaran.