Florante at Laura/Buod
Punong Salita
Ang araling ito ay naglalarawan ng isang gubat at ng isang binatang lalaki na nakagapos sa isang puno.
Inilarawan ang gubat bilang isang madilim dahil hindi makapasok ang sinag ng araw dahil sa mga malalaking puno
gaya ng higera at sipres. Ang mga baging naman na namimilipit sa sanga ng kahoy ay puno ng tinik, may bulo ang mga bunga nito na nagbibigay-sakit kapag itoy kinain. Ang mga bulaklak sa nagtayong kahoy ay nakikiayon sa nakakahilong mabahong amoy ng gubat at karamihan sa mga hayop na gumagala rito ay syerpente at tigre na may masasamang loob. Ang gubat na ito ay malapit sa pinto ng Aberno Reyno na pinamumunuan ni Pluto na inilarawan bilang isang masungit at ang kanyang mga nasasakupang lupain ay dinidiligan niya ng tubig na galing sa ilog Kosito na makamandag ang tubig.
Sa gitna ng malungkot na gubat ay may isang lalaking nakatali sa puno, inilarawan siya bilang isang binatang lalaki na maayos ang tindig kahit nakatali na ang kamay, paa’t liig, makinis ang kanyang balat, at ang kanyang pilik-mata’t kilay ay parang isang arko.