Wikijunior:Galantina

Sangkap

baguhin

Galantina

baguhin
1 buo malaking manok (mga 1 ½ kilo)
2 tasa ham, tinadtad
½ kilo giniling na baboy, puro laman at walang taba ng baboy (gilingin ng 2 beses)
2 buo nilagang itlog
6 piraso olives, tinadtad (pwedeng wala)
1 kutsarita asin
½ kutsarita betsin
½ kutsarita pamintang durog
¼ tasa kinudkod na keso
¼ tasa pickles (hiniwa ng pahaba sa gitna)
2 piraso carrots, nilaga (hiniwa ng pahaba sa gitna)
1 ½ tasa biskotso (bread crumbs)
2 kutsara kinudkod na keso
1 kutsara cornstarch
Pinaghurhuhan ng manok

Paraan ng pagluto

baguhin

Galantina

baguhin
  1. Linising maigi at maingat na alisin ang buto ng manok. Maaari itong ipagawa sa palengke.
  2. Pahiran ng asin at paminta ang loob at labas ng manok.
  3. Ilagay sa isang tabi.
  4. Pagsamahin lahat ng sangkap maliban sa nilagang itlog, pickles at carrots.
  5. Palamanan ang manok ng kalahati ng pinaghalong sangkap.
  6. Ilagay sa gitna ang itlog, pickles at carrots ng manok at ilagay ang natirang sangkap.
  7. Huwag masyadong punuin ang manok upang hindi mahirapan sa paghiwa nito.
  8. Mas mabuti kung tahiin sa pamamagitan ng makapal na sinulid ang dulo ng manok.
  9. Ilagay ang manok sa baking pan.
  10. Gumamit ng pan na kasya ang buong manok.
  11. Takpan ng aluminum foil.
  12. Painitin ang hurno ng 350°F ng 10 minuto bago ilagay ang manok.
  13. Lutuin ng 1 oras.
  14. Malalamang luto na ang manok kapag ito’y tinusok ng toothpick at mapapansin tuyo na ang toothpick.
  15. Palamigin bago hiwain.
  1. Gumawa ng masarap na sarsa para sa chicken galantina buhat sa tulo ng pinaghurhuhan ng manok.
  2. Maglagay ng 2 kutsarang kinudkod na keso at 1 kutsarang cornstarch na tinunaw sa tubig.
  3. Lutuin sa mahinang apoy hanggang lumapot.
  4. Halu-haluin.
  5. Sa halip na ihurno ang manok, maaari rin itong pasingawan sa steamer ng 1 ½ oras.