Wikibooks:Pamantayan sa pagpapangalan
Ang pahinang ito ay naglalaman ng isang burador na panukala tungkol sa isang batayan o patnubay sa Wikibooks. Talakayin ang mga pagbabago sa burador na ito sa usapan. Kapag napagkasunduan, ang burador na ito ay maaari maging opisyal na batayan o patnubay sa Wikibooks. |
Pamantayan sa pagpapangalan
baguhinAng bawat kabanata o pahina ng isang aklat ay dapat magsimula sa pangalan ng libro at sundan ng isang bantas paiwa:
- Pamagat_ng_Aklat/Pangalan_ng_pahina
Ang mga aklat at pahina ay maaaring gumamit ng pamagat o pangungusap na pagka-capitalize.
'Di-naaayon na mga aklat
baguhinMay mga iilang aklat na hindi gumagamit ng bantas na paiwa upang italaga ang mga subpage. Kung may makikita kang aklat na may mga pahinang hindi sumasang-ayon sa patnubay na ito, pakibago ang mga pangalan ng mga ito. Maaari ka ring magbigay ng mga pahinang maaaring ilipat sa pamamagitan ng pagdagdag ng {{rename|bagong_pangalan}} sa itaas ng mga pahinang nais baguhin ang pangalan.