Usapan:Noli Me Tangere/Kabanata 57
makikita ang labis na parusa at kalupitan sa kalakihang nahuling lumusob sa kuwartel.Nakakulong sila sa isang silid na napakadilim at nakasusulasok na amoy.Dalawa sa mga bilanggo ang nakapangaw o nakakadena nang magkalayo nang halos isang dipa ang mga paa.Sa araw na iyon,silang dalawa ang imbestigahan.Isa sa kanila,ang lalaking nagngangalang Tarsilo ang makararanas na labis na kalupitan.Pinipilit siyang magsalita at idiin si Don Crisostomo Ibarra bilang pasimuno at nagbayad sa kanila upang gawin ang paglusob subalit nanindigan siyang ni hindi niya kilala at ni hindi nakakausap si Don Crisostomo.Sinabi niyang ang dahilan sa kantilang paglusob ay upang ipaghiganti ang ginawang pagpatay sa kanilang ama. Dahil sa paninindigang iyon ni Tarsilo ay ipinatikim sa kanya ang sukdulang pananakit na humangga sa pagtitimba o pagbibitin nang patiwarik at paghuhulog sa kanya nang una ang ulo sa isang madulas,marumi at nangangamoy na balon.Pinatagal nang ilang minuto ang gayong kalupitan subalit kahit sa harap ng kamatayan ay hindi binago ni Tarsilo ang unang sinabi kaya't namatay siya sa isang malupit at karumal-dumal na paraan
Magsimula ng usapan tungkol sa pahinang "Noli Me Tangere/Kabanata 57"
Sa mga pahina ng usapan ang lugar kung saan pinag-uusapan ng mga indibiduwal kung paano gumawa ng nilalaman sa Wikibooks sa pinakamabuting paraan. Maari mong gamitin ang pahinang ito upang magsimula makipag-usap sa ibang indibiduwal tungkol kung papaano mapabuti ang Noli Me Tangere/Kabanata 57. Alamin pa