Ang padron ay isang pahina na ginawa para maisama sa iba pang mga pahina. Kung ito ay binago, madalas ay makikita ito sa bawat pahina na gumagamit nito. Sa pahinang ito, matututunan ninyo kung paano gumamit ng isang padron at kung paano gumawa ng sariling padron.

Ang padron B ay puwedeng isama sa pahina A, P, at Q para maipakita ang kanyang nilalaman. Kapag ibabago ang padron ay mababago rin ang maipapakita sa mga pahinang gumagamit nito.

General

Ang mga padron ay maaaring maglaman ng kahit anong wikiteksto, kasama ang mga pangsingit sa ibang padron. Ito ay may mga takdang kakayahan: mga nababagong laman (tinatawag na parametro), pagtatansya at pagkukundisyon (gamit ang mga punsyong parser), at paraan sa mga baryante na pang-wiki lamang, tulad ng mga petsa, oras, at pangalan ng mga pahina.

Ang isang tandang padron (sa porma ng {{ngalan ng padron}}, kung saan ang pangalan ng padron ay napapalibutan ng mga dalawang kulot na panaklong) ay idinadagdag sa isang pahina kung saan ninyo nais ipakita ang padron upang magamit ito. Kung nais tingnan ng isang magbabasa ang pahina, kukunin ng server ang nilalaman ng pahina ng padron, ipoproseso ang iba't ibang baryanteng may kaugnayan sa pahina, at ipapakita ang resulta kapalit ng tandang padron.

Kapaki-pakinabang ang mga padron para sa kahit anong teksto na nais ninyo ikopya sa dalawa o maraming pahina. Hindi na rin kailangang baguhin ang bawat isang kopya nito para maiangkop sa pahina kung saan ito ginagamit. Dahil may mga parametro, ang mga bersyon nito ay maaaring maging iba't iba at ang mga nilalaman nito ay maaaring baguhin sa bawat isa. Hindi lamang madali gamitin ang mga padron, kundi maaari rin itong magtakda ng isang kapaki-pakinabang na iisang anyo, tulad ng estilo.

Mga karaniwan na gamit nito ay:

  • Mga mensahe para magpakita ng impormasyon
  • Mga kawing sa pagitan ng mga pahina ng libro o mga kabanata para madaling basahin
  • Mga lalagyan para magpakita ng impormasyong biswal, tulad ng mga larawan, talahanayan, atbp.
  • Mga pinaghalong mga elemento yari sa isang talahanayan ng mga simpleng larawan na nagpapakita ng higit na hugnayang mga palagay

Mga Pahina ng Padron at Namespaces

Paggamit ng Padron

Para magsingit ng isang padron sa isa pang pahina, gamitin ang sumusunod na sintaks (tinatawag na tandang padron):

{{ ngalan ng padron | parametro | parametro | ... }}

Ito ay binubuo ng pangalan ng padron at iba't ibang parametro na ipinapasok sa padron, kung saan ang bawat parametro ay hinihiwalay ng isang patayong guhit, at ang kabuuan ay pinalilibutan ng dinalawang kulot na panaklong, {{...}}. Ang tandang padron ay inilalagay sa isang pahina kung saan nais itong makita. Ang panlaping "Template:" ay hindi kailangan para maisama ang padron sa isang pahina, maliban kung hinahanap o binabago ang padron mismo (ngunit kung ang padron ay ginawa sa ibang namespace, kailangang gamitin ang panlaping iyon). Hindi lahat ng mga padron ay may parametro, at hindi lahat ng mga padron ay may mga parametrong kailangan punan, kaya minsan, {{ngalan ng padron}} ay sapat na para gamitin ang isang padron. Kung ang isang parametro ay kinakailangan, ngunit hindi pinunan ng tagagamit ng laman, ang padron ay magpapakita ng tulad ng {{{...}}} sa teksto, kung saan ang '...' ay maaaring numero o pangalan ng parametro. Ito ay para ipahiwatig sa tagagamit na may hindi pinunan na nakangalan o 'di-nakangalan na parametro, at maaaring iwasan sa pamamagitan ng paggamit ng default na laman para sa parametro.

Mayroong dalawang uri ng parametro:

  • 'di-nakangalan na parametro (minsan ay tinatawag na 'lugaran' na parametro): ang mga laman nito ay inilalagay sa padron ayon sa pagkakasunud-sunod nito.
    {{ngalan ng padron|parametro1|parametro2|...}}
  • nakangalan na parametro: ang mga laman nito ay may kaukulang pangalan sa padron
    {{ngalan ng padron|ngalan1 = parametro1|ngalan2 = parametro2|...}}

Ang mga ito ay maaari ring ipaghalo:

{{ngalan ng padron|parametro1|parametro2|ngalan3 = parametro3|ngalan4 = parametro4|...}}

Ayon sa napagkasunduan, ang mga nakangalang parametro ay huling inililista, ngunit hindi ito kinakailangan. Ang mga titik na pamuwang (mga espasyo, tabs, atbp.) ay tinatanggal mula sa unahan at hulihan ng laman ng mga nakangalang parametro ('di kasama rito ang mga 'di-nakangalang parametro), ngunit hindi ang gitna: sa gayon, ang {{ ... | parametro = ito ay isang test }} ay tinuturing na parang inimakinilya ng tagagamit ang {{ ... |parametro=ito ay isang test}}

Ang mga pahinang padron mismo ay maaaring magkaroon ng mga bagay na hindi naisisingit kasama ang padron (tulad ng mga kasulatan o kategorya kung saan nakauri ang padron), o mga bagay na nagagamit lamang kung naisingit na ang pahina (tulad ng mga kategora na ginagamit ng pahinang nagsingit, ngunit hindi ng padron). Maaaring tingnan ang talakayan ukol sa includeonly at noinclude na mga tanda sa ibaba.

Magkakaroon ng isang pulang kawing kung sinubukang magsingit ng isang padron na 'di umiiral, tulad ng pagkakawing sa isang 'di umiiral na pahina. Tinutulutan ang nagpindot ng kawing na likhain ang nasabing padron.