Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

6 piraso itlog
1 tasa hinimay na alimasag
1 kutsara toyo
1 kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
1 kutsara cornstarch
2 kutsara mantika
1 tasa labong, ginayat
½ tasa sibuyas, ginayat
½ tasa celery, ginayat

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Batihin ang mga itlog sa isang mangkok.
  2. Idagdag ang alimasag, toyo, asin, paminta at cornstarch.
  3. Initin ang kawali at lagyan ng mantika.
  4. Igisa ang mga gulay ng isang minuto.
  5. Hanguin at palamigin ng bahagya.
  6. Isama sa binating itlog.
  7. Initin uli ang kawali at dagdagan ng mantika.
  8. Magbuhos ng tig-¼ tasang torta at prituhin.