Tagalog/Pangungusap
Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa . Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles ang Simuno) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.
- Halimbawa:
- Naglalaro si Crisanto ng bola. (gumanap ng kilos)
- Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda (pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa)
- Si Melody ay kumakanta sa entablado ngayon.
- Si Ana ay nagbabasa ng kanyang paburitong libro.
- Si Aadriyan ay nagpapagupit ng kanyang buhok.
- Halimbawa:
Panaguri
baguhinAng Panaguri(Predicate'ng wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
- Ito ay maaaring:
- panaguring pangngalan
- panaguring panghalip
- panaguring pang-uri
- panaguring pandiwa
- panaguring pang-abay
- panaguring pawatas
- Ito ay maaaring:
- Halimbawa:
- Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas.
- Sila ang aawit sa misa.
- Malulusog ang anak niyang kambal.
- Naglalaba ang kanyang ina.
- Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat.
- Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya.
- Halimbawa:
Mga Kayarian ng Pangungusap
baguhinPayak
baguhinIto nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.
- Halimbawa:
- Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.
- Halimbawa:
Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap
baguhinPayak na Simuno at Payak na Panaguri
baguhin- Halimbawa:
- Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.
- Halimbawa:
Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
baguhin- Halimbawa:
- Sina Rose at Bella ay magaling sa matematika.
- Halimbawa:
Payak na Simuno at Tambalang Panaguri
baguhin- Halimbawa:
- Si Colin ay matulungin,masipagNakapahilis na panitik''Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik''',mabait at madasalin na bata..
- Halimbawa:
Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri
baguhin- Halimbawa:
- Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.
- Halimbawa:
Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo
baguhin- Halimbawa:
- Aray!
- SUNOG!
- Aray!
- Halimbawa:
Tambalan
baguhinIto ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;).
- Halimbawa:
- Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang ang karamihan ay gumagawa.
- Halimbawa:
Hugnayan
baguhinIto ay binubuo ng dalawa o higit na sugnay na makapag-iisa at isa o higit na sugnay na di makapag-iisa.
- Halimbawa:
- Tayong mga masisipag ay kailangang magtulungan para mabilis nating matapos ang ating gawain.
- Halimbawa:
Mga Ayos ng Pangungusap
baguhinKaraniwang Ayos
baguhinNauuna ang panaguri kaysa sa simuno. Halimbawa: Kinagat ng aso si Toto.
Di-karaniwang Ayos
baguhinAng simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng simuno sa pangungusap. Halimbawa: Si Toto ay kinagat ng aso.
Paraan ng Pagpapalawak ng Pangungusap
baguhinBatayang Pangungusap: Nag-aral si Engelbert sa math.
Lagyan ng mga paningit
baguhinKabilang sa mga paningit ay ang mga salitang: daw, kaya, ba, sana, at iba pa.
- Halimbawa:
- Nag-aral kaya sa math si Mayeth?
- Halimbawa:
Gumamit ng pang-uri bilang panuring
baguhin- Halimbawa:
- Nag-aral nang mabuti sa math ang batang si Mayeth.
- Halimbawa:
Gumamit ng pang-abay bilang panuring
baguhin- Halimbawa:
- Nag-aral ng mabuti sa math si Engelbert para sa darating na kompetisyon. by: feb
- Halimbawa:
Mga Uri ng Pangungusap
baguhinPasalaysay
baguhinIto ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
- Halimbawa:
- Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.
- Mahilig magbulakbol ang mga kabataan ngayon.
- Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas.
- Halimbawa:
Pautos
baguhinIto ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.)
- Halimbawa:
- Dalhan mo ako ng pasalubong.
- Halimbawa:
Anyo ng Pautos
baguhinPautos na Pananggi
baguhinPinangungunahan ng salitang "huwag".
- Halimbawa:
- Huwag kang magalala
- Halimbawa:
Pautos na Panag-ayon
baguhinIto ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.
- Halimbawa:
- Ipaluto mo si Marissa ng tinola.
- Halimbawa:
Patanong
baguhinIto aynagsasaad ng isang katanungan.
Anyo ng Patanong
baguhinPatanong na masasagot ng OO o Hindi
baguhin- Halimbawa:
- Kumain ka na ba?
- Halimbawa:
Pangungusap na Patanggi ang Tanong
baguhin- Halimbawa:
- Hindi ka ba papasok?
- Hindi ka ba kakain dito?
- Hindi ka ba aalis?
- Halimbawa:
Gumagamit ng Panghalip na Pananong
baguhinAng mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: ano, alin, sino, saan at iba pa.
- Halimbawa:
- Ano ang iyong kinain kanina?
- Alin ang pipiliin mo?
- Halimbawa:
Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
baguhin- Halimbawa:
- Siya ba ay pupunta rin?
- Tayo ba ay aalis na?
- Halimbawa:
Tanong na may Karugtong o Pabuntot
baguhin- Halimbawa:
- Kumain ka na, hindi ba?
- Dumaan ka na dito, hindi ba?
- Halimbawa:
Pakiusap
baguhinIto ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap.
- Halimbawa:
- Maaari po kayong umupo.
- Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas.
- Maaari po ba akong lumabas bukas?
- Halimbawa:
Padamdam
baguhinIto ay nagpapahayag ng matinding damdamin.
- Halimbawa:
- Hala!
- Aba!
- Ha!
- Hoy!
- Gising!
- Naku!
- ay!!!
- pusang gala naman oh!!!
- Halimbawa:
Pangungusap na Walang Paksa
baguhinPandamdam
baguhinNagpapahayag ng matinding damdamin.
- Halimbawa:
- ang pangit mo talaga!
- Halimbawa:
Pakiusap
baguhinNagpapahayag ng kahilingan o pakiusap.
- Halimbawa:
- Pakiabot nga.
- Halimbawa:
Eksistensyal
baguhinIto ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala.
- Halimbawa:
- May tao sa loob.
- Halimbawa:
Temporal
baguhinnagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan na itong mga adverbial na nagsasabi ng.......
*Oras,araw, petsa halimbawa: Umaga na. Bukas ay Sabado. Ala sais pa lang ng umaga. Ika-8 ng pebrero ngayon.
*Panahon, selebrasyon halimbawa: Bagong taon na bukas Kaarawan ko sa makalawa. Pasko na sa Lunes Magbabakasyon lang.
Penomenal
baguhinIto ay nagpapahayag ng pangyayari.
- Halimbawa:
- Lumindol sa Africa.
- Bumabagyo sa Bikol.
- Halimbawa:
Pormulasyong Panlipunan
baguhinIto ay nagpapahayag ng paggalang.
- Halimbawa:
- Makikiraan po.
- Tao po.
- Salamat po.
- walang anuman.
- paumanhin.
- Halimbawa: