Tumutukoy sa tanging katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa
  • Ang bawat pook ay tahimik.
  • Siya ay pogi.
Pahambing

Nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang kalagayan ng isang pangngalan o panghalip. Ang pahambing na pang-uri ay may dalawang kalagayan: magkatulad at di-magkatulad.

Halimbawa
Magkatulad
  • Kasinghusay ni Harry ang kapatid niya pagdating sa paglililok.
  • Magkasinghusay ang aming guro sa Agham at Sipnayan.
  • Parehong magaling sumayaw sina Louis at Zayn kaya naman nakakadagdag pogi ito sa mga tagahanga nila.
  • Ang leader na si Harry at Liam ay magkasing galing sa pagiging responsable.
  • Magkasingtaas lang ang boto ng One Direction at 5 Seconds of Summer.
  • Kasingbilis ng kidlat ang pagtakbo ng isang kabayo.
Di-magkatulad
  • Si Xiao Xi ay di-gaanong matangkad kaysa kay Jiang Chen.
  • Mas mataas ang porsiyento ng mga taong nagkakagusto sa One Direction kaysa sa mga nanghuhusga o naninira nito.
  • Mas mabuti ng tumangkilik kaysa sa manira o manghusga ng ibang mga bagay.
  • Mas pangit ang ugali ng mga taong makikitid ang utak kaysa sa mga taong nakakaintindi.


Pasukdol

Nagpapakilala ng nangingibabaw o namumukod na katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa
  • Si Mario ang pinakamasipag sa kanilang klase.
  • Ang anak niya ay ubod ng sipag.
  • Ang grupong Dreamcatcher ang tinuturing na pinakasikat na grupo sa buong mundo.