Tagalog/Pang-abay
< Tagalog
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Ang pang-abay ay may 17 uri: 🤫
- Pamanahon - nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa tanong na kailan
- Panlunan - nagsasaad ng pook o na pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na saan.
- Pamaraan - nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng pandiwa.
- Panggaano - sumasaklaw sa bilang, dami o halaga.
- Panulad - nagsasaad ng katangiang napapaloob sa pangungusap. Karaniwang ginagamit na hambingan ng pang-uri.
- Pang-agam - nagsasaad ng di-katiyakan o pag-aalinlangan.
- Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, bilang o halaga.
- Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtangaap sa kausap.
- Pananggi - nagsasaad ng pagsalungat o pagbawal.
- Panunuran - tumutukoy sa sunud-sunod na hanay o kalagayan.
- Pamitagan - nagpapakilala ng paggalang at pagsasaalang-alang.
- Panturing - nagsasaad ng pagtanaw ng utang na loob
- Kawsatibo - nagsasaad ng dahilan, binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula sa dahil sa, sapagkat atbp.
- Kundisyunal - nagsasaad ng kondisyon para maganap ang pandiwa.
- Benepaktibo - nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao, tagatanggap ng kilos.
- Pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.
- Inklitik - binabago ang orihinal na diwa ng isang pangungusap.