Tagalog/Aralin 3
< Tagalog
Ito - ginagamit kung hawak, malapit sa nagsasalita ang bagay, pook o hayop na itinuturo.
Halimbawa: Ito ang nawawalang libro ko.
Iyan - ginagamit kung malayo sa nagsasalita pero malapit sa kausap ang bagay, pook o hayop na itinuturo.
Halimbawa: Iyan ba ang lamesa ni Ms. Lerie Kate Castel?
Iyon - ginagamit kung malayo sa nag-uusap ang bagay, pook o hayop na itinuturo.
Halimbawa: Iyon ang hinahanap natin na sasakyan.