Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

½ kilo pige ng baboy
¼ kutsarita asin
1 kutsara toyo
2 kutsara cornstarch
1 tasa mantika pamprito
1 ½ kutsarita toyo
3 kutsara suka
¼ tasa asukal
6 kutsara ketchup
1 kutsara tubig
½ kutsarita Worcestershire sauce
1 kutsarita cornstarch
1 kutsarita mantika
¼ kutsarita tinadtad na bawang
1 piraso sibuyas, hiniwa
1 piraso siling pula, hiniwang pahaba
1 piraso siling berde, hiniwang pahaba
1 lata pineapple tidbits

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Hiwaing pakuwadrado ang pige at ibabad sa asin, toyo at cornstarch ng 10

minuto.

  1. Iprito sa mainit na mantika hanggang pumula.
  2. Sa mangkok, paghaluin ang toyo, suka, asukal, ketchup, tubig, Worcestershire sauce at cornstarch.
  3. Itabi.
  4. Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at sili.
  5. Ibuhos ang pinaghalong sangkap.
  6. Pakuluin at idagdag ang piniritong karne.
  7. Palambutin ang karne.
  8. Palamutian ng pinya.