Buksan ang pangunahing menu


SangkapBaguhin

1 piraso katamtamang laki na isda (Pangasius), nilinis
1 kutsarita asin
2 piraso kalamansi
1 tasa mantika pamprito
2 butil bawang, tinadtad
1 kutsara tinadtad na luya
1 piraso maliit na sibuyas, hiniwa
1 piraso maliit na siling berde, hiniwang pahaba
1 piraso maliit na carrot, hiniwang pahaba
¼ tasa suka
¼ tasa asukal
½ tasa tubig
½ kutsarita asin
1 kutsara toyo
2 kutsara ketchup
1 kutsarita cornstarch na tinunaw sa
2 kutsara tubig

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Pahiran ang isda ng asin at katas ng kalamansi.
  2. Itabi nang 20 minuto.
  3. Magpainit ng mantika sa kawali at iprito ang isda hanggang pumula.
  4. Patuluin.
  5. Sa isa pang kawali, magpainit ng kaunting mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
  6. Idagdag ang sili at carrot.
  7. Ibuhos ang suka, asukal, tubig, asin, toyo at ketchup.
  8. Pakuluin.
  9. Palaputin ng tinunaw na cornstarch.
  10. Ibuhos sa ibabaw ng isda.
  • Para matanggal ang lansa ng isda, maaaring magdagdag ng gatas sa halip na katas ng kalamansi.