Buksan ang pangunahing menu


SangkapBaguhin

½ kilo boneless bangus (pandaing)
½ kutsarita asin
2 kutsarita liquid seasoning
1 kutsarita katas ng kalamansi
¼ kutsarita paminta
1 kutsara mantikilya
½ tasa tinadtad na sibuyas
½ tasa tinadtad na kamatis

Mushroom SauceBaguhin

¼ tasa tinadtad na bacon
2 kutsara mantikilya
2 kutsara arina
¼ tasa hiniwang mushrooms
1 ¾ tasa sabaw ng manok
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Ibabad ang bangus sa asin, liquid seasoning, kalamansi at paminta nang 2 oras.
  2. Itabi.
  3. Sa kawali, igisa sa mantikilya ang sibuyas at kamatis hanggang lumambot.
  4. Itabi.

Paghahanda ng Mushroom SauceBaguhin

  1. Papulahin ang bacon hanggang lumutong.
  2. Itabi sa gilid ng kawali at idagdag ang mantikilya.
  3. Ibuhos ang arina at haluin ng maigi para mawala ang mga buo-buo.
  4. Idagdag ang mushrooms at sabaw.
  5. Palaputin at timplahan ayon sa panlasa.
  6. Sa iba pang kawali, iprito ang bangus ng lubog sa mantika na mainit.
  7. Patuluin at ilipat sa sizzling plate o bandehado.
  8. Ikalat sa ibabaw nito ang ginisang kamatis at sibuyas.
  9. Ibuhos ang mushroom sauce sa ibabaw.
  10. Ihain kaagad.