Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

6 tasa kanin (mas mainam na gamitin ang bahaw o kaning lamig para sa lutuing ito)
1 ulo bawang, pinitpit nang maigi
½ tasa scrambled egg, hiniwa nang maliliit
½ tasa mantika
½ tasa longganisa, hamon, o bacon, hiniwa nang maliliit
1 lata green peas
½ kutsarita asin

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Sa isang kawali, magpainit ng mantika.
  2. Igisa ang bawang hanggang pumula.
  3. Idagdag ang kanin.
  4. Timplahan ng asin ang sinangag nang naayon sa panlasa.
  5. Kapag luto na ang kanin, idagdag ang scrambled egg at karne.
  6. Haluing mabuti upang hindi magdikitdikit ang kanin.
  • Masarap na iulam ang ano mang pinirito sa sinangag na kanin.