Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

¼ kilo abitsuelas
1 kutsara mantika
¾ tasa hiniwang bacon
1 tasa tinadtad na sibuyas
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta


Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Tanggalan ng mga dulo ang abitsuelas at hiwaing pahilis.
  2. Lutuin sa kumukulong tubig na may kaunting asin hanggang bahagyang lumambot.
  3. Ihulog kaagad sa malamig na tubig at pagkatapos ay patuluin.
  4. Painitin ang mantika at lutuin ang bacon hanggang lumutong.
  5. Idagdag ang sibuyas at sangkutsahin.
  6. Isama ang abitsuelas.
  7. Timplahan ayon sa panlasa.