Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

2 piraso talong, katamtamang laki
3 kutsara mantika
2 butil bawang, dinikdik
1 piraso maliit na sibuyas, tinadtad
1 piraso kamatis, tinadtad
¼ kilo giniling na baboy
2 piraso itlog
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla
1 tasa arina
1 tasa mantika pamprito

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Ihawin ang mga talong at pagkatapos ay balatan.
  2. Timplahan ng asin at paminta. Palaparin at itabi.
  3. Sa isang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  4. Idagdag ang isang binating itlog at haluing mabuti.
  5. Hatiin ang giniling sa dalawang pinalapad na talong.
  6. Batihin ang natitirang itlog.
  7. Balutan ng itlog ang mga talong at budburan ng arina.
  8. Iprito hanggang mabuo.