Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

1 kilo malalaking pusit
1 piraso karot
1 piraso singkamas
4 tangkay celery
4 tangkay kutsay
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla
½ kutsara liquid seasoning
4 piraso kalamansi
3 kutsara mantikilya
1 piraso siling labuyo, tinadtad

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Alisin ang balat at ulo ng pusit. Ilaan ang gulo pasa sa ibang lutuin.
  2. Linisin ang loob ng pusit.
  3. Hiwain ng makitid at mahaba (o julienne) ang mga gulay.
  4. Timplahan ng asin, paminta at liquid seasoning.
  5. Punuin ng gulay ang loob ng pusit.
  6. Isara ang pusit sa pamamagitan ng toothpick.
  7. Ibabad ang pusit sa kalamansi nang 5 minuto.
  8. Ihawin sa uling o grill.
  9. Paminsan-minsan ay pahiran ng mantikilya.