Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

6 piraso alimango
2 kutsara mantika
1 kutsarita tinadtad na bawang
1 piraso sibuyas, tinadtad
2 piraso kamatis, tinadtad
2 piraso patatas, hiniwang pakuwadrado
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
3 piraso itlog

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Ilaga ang alimango at himayin.
  2. Itabi ang mga talukap.
  3. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  4. Isama ang patatas, hinimay na laman ng alimango at pantimpla.
  5. Palamiging bahagya at saka isama ang isang binating itlog.
  6. Linisin ang mga talukap at punuin ng ginisang mga sangkap.
  7. Batihin ang natitirang itlog.
  8. Ilubog dito ang mga talukap bago iprito sa mainit na mantika.