Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

1 tasa tinadtad na hipon
¼ tasa giniling na karne ng baboy
1 tasa tinadtad na singkamas
¼ tasa tinadtad na sibuyas na mura
1 katamtamang laki sibuyas, tinadtad
1 piraso itlog, binati
1 kutsarita toyo
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
12 piraso wonton wrapper
1 tasa mantika pamprito

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Sa isang mangkok, paghaluin ng mabuti ang unang 8 sangkap.
  2. Maglagay ng isang kutsara nito sa bawat piraso ng wonton wrapper.
  3. Itupi ang hugis patatsulok at idikit ng tubig para masara.
  4. Iprito ng lubog sa mantika hanggang lumutong.
  5. Ihain kasama ng sawsawang kalamansi at toyo.