Buksan ang pangunahing menu

Itong luto ay kilala rin bilang Fried Chicken sa wikang Ingles.

SangkapBaguhin

1 kilo manok, hiniwa sa maliliit na piraso 2 kutsarita toyo 1 kutsarita asin 3 piraso kalamansi 3 tasa mantika pamprito 1 tasa harina 1 kutsarita asin ½ kutsarita paminta 2 piraso itlog, binati 1 tasa breadcrumbs

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Ibabad ang manok sa toyo, asin at katas ng kalamansi nang 1 oras o magdamag.
  2. Painitin ang mantika sa kawali.
  3. Budburan ng arinang tinimplahan ng asin at paminta ang manok.
  4. Igulong sa binating itlog at pagkatapos ay sa breadcrumbs.
  5. Iprito hanggang maluto ang manok at lumutong.
  6. Patuluin ang mantika ng bawat piraso ng prinitong manok sa paper napkin o paper towel o tissue paper.
  7. Ihain kasama ng ketchup, o gravy bilang sawsawan.