Tagalog/Pang-ugnay
< Tagalog
(Tinuro mula sa Preposition)Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
Pang-ukol
baguhinAng Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
- sa para sa ayon kina
- para kay tungkol sa na may
- Halimbawa:
- Ang kanyang nilutong tinola ay para sa lahat.
- Halimbawa:
Mga Gamit ng Pang-ukol
baguhin- Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
- Halimbawa:
- Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Lana.
- Halimbawa:
- Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
- Halimbawa:
- Ang bagong damit ay para kay Lita.
- Halimbawa:
- Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.
- Halimbawa:
- Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan.
- Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo.
- Halimbawa:
Pangatnig
baguhinAng Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap:
- at pati saka o ni maging subalit ngunit
- kung bago upang sana dahil sa sapagkat
Gamit ng Pangatnig
baguhinDalawang salitang pinag-ugnay
baguhin- Halimbawa:
- Ang langis at tubig ay hindi mapagsasama.
- Halimbawa:
Dalawang pariralang pinag-ugnay
baguhin- Halimbawa:
- Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuhay.
Dalawang sugnay na pinag-ugnay
baguhin- Halimbawa:
- Ang bunsong si Crisanto ay mahusay magpinta at ang panganay na si Manilyn ay mahusay umawit.
- Halimbawa:
Uri ng Pangatnig
baguhinPanimbang
baguhinIto ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
- at saka pati ngunit maging datapuwat subalit
- Halimbawa:
- Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.
- Naglinis muna si Troy, saka siya nagluto.
- Halimbawa:
Pantulong
baguhinIto ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay.
- kung kapag upang para nang sapagkat dahil sa
- Halimbawa:
- Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
- Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.
Pang-angkop
baguhinAng Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g)
- Halimbawa:
- Maayos na pamumuhay ang hangad nina Jaime.
- Masayang naglalaro si Ben.
- Halimbawa:
Mga salitang inuugnay ng pang-angkop
baguhinPang-uri at Pangngalan
baguhin- Halimbawa:
- Masama sa may diabetes ang matatamis na pagkain.
- Halimbawa:
Pang-abay at Pang-abay
baguhin- Halimbawa:
- Sadyang mabilis lumangoy ang isda.
- Halimbawa:
Pang-abay at Pang-uri
baguhin- Halimbawa:
- Likas na maputi si Cherry.
- Halimbawa:
Pang-abay at Pandiwa
baguhin- Halimbawa:
- Si Dario ay biglang nagalit nang asarin siya.
- Halimbawa:
Wastong Paggamit ng Pang-angkop
baguhin- Ang na ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.
- Ang g ay ginagamit kapag ang salitang dinurugtungan ay nagtatapos sa titik n.