Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

1 kilo patatas (nilaga, tinalupan at niligis)
2 kutsara pinalambot na mantikilya
3 pula ng itlog
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
1 tasa arina
2 buo itlog, binati
1 tasa breadcrumbs

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Paghaluin ang niligis na patatas, mantikilya at pula ng itlog.
  2. Timplahan ng asin at paminta.
  3. Kortehing habilog, mga 3" ang haba.
  4. Palamigin sandali sa repridyerator.
  5. Pabalutan ng arina at igulong sa binating itlog.
  6. Pabalutan ng breadcrumbs.
  7. Palamigin uli para kumapit ang breadcrumbs.
  8. Magpainit ng mantika at prituhin ang kroketas hanggang Pumula.
  9. Patuluin ang sobrang mantika bago ihain.