Pagluluto:Pork Knuckles with Sauerkraut
(Tinuro mula sa Pork Knuckles with Sauerkraut)
Sangkap
baguhin2 | piraso | pata ng baboy |
1 | galon | tubig |
1 | piraso | malaking sibuyas, inapat |
1 | piraso | carrot, tinadtad |
2 | tangkay | celery, hiniwa |
1 | dahon | laurel |
1 | kutsarita | pamintang buo |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsara | mantika |
¼ | tasa | hiniwang bacon |
1 | piraso | sibuyas, hiniwa |
1 | lata | sauerkraut, pinatulo |
1 | kutsarita | suka |
¼ | kutsarita | caraway seeds |
1 | kutsarita | juniper berries |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ilaga ang pata sa tubig kasama ng sibuyas, carrots, celery, laurel, pamintang buo at asin.
- Lutuin hanggang lumambot.
- Alisin ang pata.
- Sa ibang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bacon at hiniwang sibuyas.
- Sangkutsahin.
- Isama ang sauerkraut, suka, caraway seeds, at juniper berries.
- Timplahan.
- Magdagdag ng kaunting sabaw galing sa pinaglagaan ng pata.
- Isama ang pata at lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto.