Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles.
Mga aspekto ng PANDIWA
baguhinPerpektibo o Naganap
baguhinIto ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.
- Halimbawa:
- Nagdeposito ng pera sa bangko si Charles.
- Halimbawa:
Imperpektibo o Nagaganap
baguhinIto ay ang pagkilos na kasalukuyang ginagawa.
Halimabawa: Bumibili ako ng kape ngayon sa tindahan.
Kontemplatibo o Magaganap
baguhinIto ay ang pagkilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang.
- Halimbawa:
- Magluluto siya ng masarap na itlog
- Halimbawa:
Perpektibong Katatapos o Kagaganap
baguhinIto ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa.
- Halimbawa:
- Kagagaling niya lamang sa probinsya kaya kailangan niyang magpahinga mula sa mahabang biyahe.
- Halimbawa:
Mga tinig
baguhinTahasan
baguhin- Ako ay binigyan ako ng bahay malaki na mas malaki pa sa bahay ko, at iyon ay desk jocks.
Kailanan
baguhinIsahan
baguhinIto ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo.
- Halimbawa:
Si Evean ay nag rereview sa canteen kahit magulo.
Maramihan
baguhinIto ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.
- Halimbawa:
Ang mga bata ay nagtatakbuhan kahit na mainit
Mga panlaping makadiwa
baguhinPanlaping banghayin
baguhinIto ay ang panlaping nagbabanghay sa sarili samantalang hindi nagbabago ang salitang-ugat.
- isa, maki, magka, maging, magsa, mag, suma
Pawatas | Naganap | Nagaganap | Magaganap |
magbigay | nagbigay | nagbibigay | magbibigay |
magsagawa | nagsagawa | nagsasagawa | magsasagawa |
Panlaping makabanghay
baguhinIto ay kapwa nababanghay ang panlapi at salitang-ugat na nilalapian.
Um | Ma | i, in, o hin | Ka-an | Ma-an |
[1]mag | Naka | An o han | mang | Ma-in |
Pa-an | Pag-an | Pag-in |
Nyutral | Naganap | Nagaganap | Magaganap |
lumilipad | lumipad | lumilipad | lilipad |
tumatakbo | tumakbo | tumatakbo | tatakbo |
Pagbabanghay
baguhinPandiwa sa Ma
baguhinIto ay nagsasaad ng kasadyaan o ikaaari.
- mauna
- nauna
- nauuna
- mauuna
Pandiwa sa Ipa
baguhinIto ay nagsasaad ng utos o mungkahi.
- ipaabot
- ipinaabot
- ipinapaabot
- ipaaabot
- ipa
- ipinaigib
- ipinapaigib
- ipaiigib
Pandiwa sa Ipag
baguhinIto ay nagbibigay ng utos o pakikiusap.
- ipagbili
- ipinagbili
- ipinagbibili
- ipagbibili
Pandiwa sa Mag
baguhinIto nagbibigay diwa sa pagganap.
- magsabi
- nagsabi
- nagsasabi
- magsasabi
Pandiwa sa Maki
baguhinIto ay nagsasaad ng pakikisama sa gawa.
- makibagay
- nakibagay
- nakikibagay
- makikibagay
- makikisakay
Panlaping Mapa
baguhinIto ay nagbabadya ng maaaring maganap.
- mapabuti
- napabuti
- napapabuti
- mapapabuti
Panlaping Magka
baguhinIto ay ginagamit para sa di-kusang pagkilos.
- magkasundo
- nagkasundo
- nagkasusundo
- magkasusundo
Panlaping Magsi
baguhinIto ay para sa sabay-sabay na pagkilos.
- magsikain
- nagsikain
- nagsisikain
- magsisikain
Panlaping Maka
baguhinIto ay nagsasaad ng kasadyaang pagkilos.
- makatakas
- nakatakas
- nakatatakas
- makatatakas
Panlaping Magsa
baguhinIto ay nagsasaad ng magkatulad na pagkilos.
- magsadula
- nagsadula
- nagsasadula
- magsasadula
Mga pandiwang walang-banghay
baguhin- Ipinagaalinlangan ang katumpakan ng seksyong ito. Sumali sa usapan upang mapabuti ang babasahing ito.
Ang pandiwang walang banghay ay hindi nagbabago kahit saan mang aspeto.
Ay
baguhinIto ay tagatulong ng pandiwa at nagdurugtong sa simuno at panaguri. Halimbawa:
- Ang aso ay natutulog sa bakuran.
May
baguhinIto ay sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pang-abay, pandiwa, panghalip panao at pantukoy na mga.
- Halimbawa:
- May mga bagong tauhan si Ian Patrick.
- Halimbawa:
Mayroon
baguhinIto ay sinusundan ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo.
- Halimbawa:
- Mayroon kaming luma at sira-sirang tindang damit.
- Halimbawa:
Hala
baguhinIto ay ginagamit kung ang diwang pinapahayag ay nakikiusap o nagbababala.
- Halimbawa:
- Hala ka, huli ka na.
- Hala, mauna na kayo.
- Halimbawa:
Mga pandiwang di-karaniwan
baguhinMaylipat na may pungos
baguhinIto ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.
- Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)
Maypalit
baguhinIto ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.
- Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan (tawahan)
Maypungos
baguhinIto ay kapag may nabawas na titik sa unahan ng salita.
- magpasabi (pasabi) magpasulat (pasulat)
Pagkakaisa ng simuno at pandiwa
baguhin- Ang simunong nasa kailanang isahan ay nangangailangan ng pandiwang isahan din.
- Halimbawa:
- Si Neil Christian ay naglalakad sa kahabaan ng Dead Sea.
- Halimbawa:
- Ang simunong nasa kailanang maramihan ay humihingi ng pandiwang maramihan din.
- Halimbawa:
- Sina Ian Patrick at Hazzan ay nagsipagtapos sa kolehiyo.
- Halimbawa:
Pokus ng Pandiwa
baguhinIto ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno.
Tagaganap o Aktor
baguhinAng simuno o paksa ang gumaganap sa kilos ng pandiwa.
- Halimbawa:
- Si Ian Patrick ay bumili ng mga ari-arian.
- Halimbawa:
Layon
baguhinAng paksa ng pangungusap ay ang layon.
- Halimbawa:
- Ang basura ay ipatatapon ko bukas.
- Halimbawa:
Ganapan
baguhinAng lugar o pook kung saan ginanap ang kilos.
- Halimbawa:
- Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng palay.
- Halimbawa:
Tagatanggap
baguhinAng simuno ang pinaglalaanan ng kilos.
- Halimbawa:
- Ipagsasalok mo ng tubig ang bisita.
- Halimbawa:
Gamit
baguhinAng kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.
- Halimbawa:
- Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.
- Halimbawa:
Sanhi
baguhinAng paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.
- Halimbawa:
- Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.
- Halimbawa:
Direksyon
baguhinAng paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
- Halimbawa:
- Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.
- Halimbawa:
Kaganapan
baguhinIto ay ang relasyon ng pandiwa sa panag-uri.
Tagaganap
baguhinIto ay ang bahagi ng panag-uri ang gumaganap ng kilos ng pandiwa. Puwede itong tawaging aktor.
- Halimbawa:
- Ang unang anibersaryo ng kanilang kasal ay ipinagdiwang ng mag-asawang Dino at Raquel.
- Halimbawa:
Layon
baguhinIto ay kung ano ang bagay na tinutukoy ng pandiwa.
- Halimbawa:
- Sumasayaw ng tinikling ang mga taga nayon.
- Halimbawa:
Tagatanggap
baguhinIto ay kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa.
- Halimbawa:
- Nagluto si Nida ng Spaghetti para sa kanyang mga anak.
- Halimbawa:
Ganapan
baguhinIto ay nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.
- Halimbawa:
- Nag-aararo sa bukid ang ama ni Ian Patrick.
- Halimbawa:
Kagamitan
baguhinIto ay kung anong bagay o instrumento ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.
- Halimbawa:
- Ang lamesa ay pinunasan ni Ian Patrick ng basahan.
- Halimbawa:
Direksyon
baguhinIto ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa,
- Halimbawa:
- Ang mga panauhin naming balikbayan ay ipinasyal namin sa Luneta .
- Halimbawa:
Mga gamit ng pangngalang pandiwa
baguhinAng pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag- at salitang ugat.
- pag + sukat = pagsukat
- pag + tulong = pagtulong
Bilang simuno ng pangungusap
baguhin- Halimbawa:
- Ang pagtulong sa kapwa ay MABUTI
- Halimbawa:
Bilang tuwirang layon sa pandiwa
baguhin- Halimbawa:
- Si Patrick Joshua ay mahilig sa PAGKAIN
- Halimbawa:
. Hays
Bilang kaganapang pansimuno
baguhin- Halimbawa:
- Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.
- Halimbawa:
Bilang di-tuwirang layon
baguhin- Halimbawa:
- Si Engineer Patrick ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng Tagalog at Ingles
- Halimbawa:
.
Bilang layon sa pang-ukol
baguhin- Halimbawa:
- Ang paksa ng pag-uusap ay tungkol sa pagsugpo ng kahirapan.
- Halimbawa:
Halimbawa: Para sa kalikasan ang ginawang pagsisikap ng mga magulang
Uri ng Pandiwa
baguhinkatawanin
baguhin- Tinatawag nating katawanin kung ang pandiwa ay makapagiisa o buo ang kilos ng pangungusap.
- Halimbawa
- Nagiyakan ang mga tao sa kanyanag pagbabalik.
- Lumahok sa paligsahan si Narciso Reyes sa pagsulat.
- ↑ perpektibo ng aral gamit ang panlaping MAG