Tagalog/Pangungusap

(Tinuro mula sa Panaguri)

Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa . Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.


Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles ang Simuno) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Naglalaro si Crisanto ng bola. (gumanap ng kilos)
Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda (pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa)
Si Melody ay kumakanta sa entablado ngayon.
Si Ana ay nagbabasa ng kanyang paburitong libro.
Si Aadriyan ay nagpapagupit ng kanyang buhok.

Panaguri

baguhin

Ang Panaguri(Predicate'ng wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.

Ito ay maaaring:
  • panaguring pangngalan
  • panaguring panghalip
  • panaguring pang-uri
  • panaguring pandiwa
  • panaguring pang-abay
  • panaguring pawatas
Halimbawa:
  • Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas.
  • Sila ang aawit sa misa.
  • Malulusog ang anak niyang kambal.
  • Naglalaba ang kanyang ina.
  • Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat.
  • Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya.

Mga Kayarian ng Pangungusap

baguhin

Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.

Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap

baguhin
Payak na Simuno at Payak na Panaguri
baguhin
Halimbawa:
Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.
Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
baguhin
Halimbawa:
Sina Rose at Bella ay magaling sa matematika.
Payak na Simuno at Tambalang Panaguri
baguhin
Halimbawa:
Si Colin ay matulungin,masipagNakapahilis na panitik''Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik''',mabait at madasalin na bata..
Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri
baguhin
Halimbawa:
Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.
Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo
baguhin
Halimbawa:
Aray!
SUNOG!

Tambalan

baguhin

Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;).

Halimbawa:
Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang ang karamihan ay gumagawa.

Hugnayan

baguhin

Ito ay binubuo ng dalawa o higit na sugnay na makapag-iisa at isa o higit na sugnay na di makapag-iisa.

Halimbawa:
Tayong mga masisipag ay kailangang magtulungan para mabilis nating matapos ang ating gawain.

Mga Ayos ng Pangungusap

baguhin

Karaniwang Ayos

baguhin

Nauuna ang panaguri kaysa sa simuno. Halimbawa: Kinagat ng aso si Toto.

Di-karaniwang Ayos

baguhin

Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng simuno sa pangungusap. Halimbawa: Si Toto ay kinagat ng aso.

Paraan ng Pagpapalawak ng Pangungusap

baguhin

Batayang Pangungusap: Nag-aral si Engelbert sa math.

Lagyan ng mga paningit

baguhin

Kabilang sa mga paningit ay ang mga salitang:   daw,    kaya,    ba,    sana,   at iba pa.

Halimbawa:
Nag-aral kaya sa math si Mayeth?

Gumamit ng pang-uri bilang panuring

baguhin
Halimbawa:
Nag-aral nang mabuti sa math ang batang si Mayeth.

Gumamit ng pang-abay bilang panuring

baguhin
Halimbawa:
Nag-aral ng mabuti sa math si Engelbert para sa darating na kompetisyon. by: feb

Mga Uri ng Pangungusap

baguhin

Pasalaysay

baguhin

Ito ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa:
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.
Mahilig magbulakbol ang mga kabataan ngayon.
Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas.

Pautos

baguhin

Ito ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.)

Halimbawa:
Dalhan mo ako ng pasalubong.

Anyo ng Pautos

baguhin
Pautos na Pananggi
baguhin

Pinangungunahan ng salitang "huwag".

Halimbawa:
Huwag kang magalala
Pautos na Panag-ayon
baguhin

Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.

Halimbawa:
Ipaluto mo si Marissa ng tinola.

Patanong

baguhin

Ito aynagsasaad ng isang katanungan.

Anyo ng Patanong

baguhin
Patanong na masasagot ng OO o Hindi
baguhin
Halimbawa:
Kumain ka na ba?
Pangungusap na Patanggi ang Tanong
baguhin
Halimbawa:
Hindi ka ba papasok?
Hindi ka ba kakain dito?
Hindi ka ba aalis?
Gumagamit ng Panghalip na Pananong
baguhin

Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang:    ano,    alin,    sino,    saan    at iba pa.

Halimbawa:
Ano ang iyong kinain kanina?
Alin ang pipiliin mo?
Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
baguhin
Halimbawa:
Siya ba ay pupunta rin?
Tayo ba ay aalis na?
Tanong na may Karugtong o Pabuntot
baguhin
Halimbawa:
Kumain ka na, hindi ba?
Dumaan ka na dito, hindi ba?

Pakiusap

baguhin

Ito ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap.

Halimbawa:
Maaari po kayong umupo.
Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas.
Maaari po ba akong lumabas bukas?

Padamdam

baguhin

Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
Hala!
Aba!
Ha!
Hoy!
Gising!
Naku!
ay!!!
pusang gala naman oh!!!

Pangungusap na Walang Paksa

baguhin

Pandamdam

baguhin

Nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
ang pangit mo talaga!

Pakiusap

baguhin

Nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap.

Halimbawa:
Pakiabot nga.

Eksistensyal

baguhin

Ito ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala.

Halimbawa:
May tao sa loob.

Temporal

baguhin
       nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan na itong mga adverbial 
     na nagsasabi ng.......
   *Oras,araw, petsa
             halimbawa:     Umaga na.
                            Bukas ay Sabado.
                            Ala sais pa lang ng umaga.
                            Ika-8 ng pebrero ngayon.


    *Panahon, selebrasyon
              halimbawa:    Bagong taon na bukas
                            Kaarawan ko sa makalawa.
                            Pasko na sa Lunes
                            Magbabakasyon lang.

Penomenal

baguhin

Ito ay nagpapahayag ng pangyayari.

Halimbawa:
Lumindol sa Africa.
Bumabagyo sa Bikol.

Pormulasyong Panlipunan

baguhin

Ito ay nagpapahayag ng paggalang.

Halimbawa:
Makikiraan po.
Tao po.
Salamat po.
walang anuman.
paumanhin.