Pagluluto:Vegetable Chowder
Sangkap
baguhin¼ | tasa | mantikilya |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
2 | tasa | tinadtad na kamatis (banlian, balatan at tanggalan ng buto bago tadtarin) |
1 | tasa | hiniwang okra |
8 | tasa | cream soup |
1 | tasa | hiniwang pakuwadradong siling berde |
¼ | kutsarita | paprika |
1 | kutsarita | brown sugar |
1 | tasa | cream |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | pamintang puti |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang mantikilya sa kaserola at igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
- Isama ang kamatis at okra.
- Sangkutsahin.
- Ibuhos ang sabaw at pakuluin.
- Hinaan ang apoy.
- Idagdag ang siling berde, paprika at brown sugar.
- Lutuin pa ng 5 minuto bago ihalo ang cream.
- Huwag hayaang kumulo.
- Timplahan ayon sa panlasa.